They Don't Know About Us

90.5K 2.6K 390
                                    

Nandito ako ngayon sa maala condo ni Izce, kasama siya at syempre pati yung halimaw na aso niya -- okay Moby na nga lang.

Nakaupo lang ako sa couch samantalang yung boyfriend ko ayun busy sa thesis ko hehe ! Oy di ko naman talaga sa kanya pinapagawa ah ! Chinicheck niya lang kung tama ba yung mga ek-ek na pinag gagawa ko doon.

Nasa left side niya ako kaya kitang-kita ko yung napakapoging mukha ni boyps, and as usual topless parin po ang apo ni Zuma na ito. Turbo na turbo na nga yung aircon naiinitan parin siya siguro pag nasa desiyerto kami nito ni Izce siya yung unang matetegi sa aming dalawa.

Tinititigan ko lang siya ng pasimple habang nag scro-scroll ako sa instagram, ang cute-cute talaga ni boyps kyaaah ! Kahit serious ngayon yung mukha niya ang pogi niya parin ang unfair !

Ay alam ko na !

Clinick ko ang camera ng phone ko at nagpicture kung saan kita ang whole face ko tapos sa gilid ko andun si Izce na seryosong naglalaptop habang nakaside view. Click !

Kyaah ! Ang kawaii ! Sabi ko sa sarili ko kasi baka malaman ni Izce e secret lang yung pag selfie ko habang busy siya.

Agad ko itong inupload sa IG na may caption na with him <3

Tsanggala kinikilig ako ! Unang pic namin to tapos shemay lakas ko maka relationship goals yiee ! Samantalang parang kailan lang bitter pa ako sa post ng iba ngayon pak ! Umaariba na ako haha !

"Why are you laughing girlfriend ?" tanong ni Izce kaya na mini heart attack ako at nabitawan ko yung phone ko.

"Ay makibao ! Ano ba boyfriend aatakihin ako sayo e" sabi ko sabay dampot ng phone ko.

"What's that ?" sabi ni Izce sabay agaw sa akin ng phone ko.

"Oy wag !" agaw ko.

"Damn ! You took a stolen picture of me ? Well it's okay I'd look handsome here" nakangising sabi niya. Wow ! Kasing hangin niya yung aircon niya ah !

"HAHAHAHA !"

"Bakit ka tumatawa ?" kunot noong tanong ko.

"Because of you HAHAHA" tawa parin ng tawa ang loko.

"Bakit ba ha ? Anong nakakatawa dyan ?" tanong ko.

"You siopao face !" sabi niya tapos bigla niyang pinisil yung pisngi ko.

"Aray !" daing ko habang nakasimangot. Depungal to ah kala niya ba di masakit !

"Oh ! Shit sorry girlfriend" sabi niya sabay kiss sa magkabilang pisngi ko.

Bigla akong namula, takteness ano ba yun ! Nanahimik na lang ako sa sulok tapos si Izce balik sa ginagawa niya. Ilang sandali may nag notif sa phone ko, pag open ko Zackie, Alex and Eli commented on your picture. Nanlaki ang mata ko at agad itong binasa.

ZackiePerez: Waah ! Ano yan ? Sino yan Bree putcha magsalita ka !

AlexDomingo: Lupet ng ate mo ! Lumalove life ng di namin alam, nakakatampo ka !

EliGanda: Tarush ! Kumikemberlu na, yummy pa am fafa ! Hoy gaga iintroduce mo aketchiwa dyan !

Lunok. Nakalimutan ko shanks may mga IG pala din tong mga kurimaw nato ! Tumingin ako kay Izce na busy pa din, kyaah boyfriend kailangan na ata kitang sabihin sa kanila.

Finals.

Malapit ng matapos ang first sem, eto ako enhance na enhance na yung eyebags ko at super busy dahil malapit na ang defense naming tatlong freaks.

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon