Forgotten

79.1K 2.2K 214
                                    

School.

"Demn ! Ang tumal naman ng monday walang pogi ngayon dito sa school" nababagot na sabi ni Zackie.

Nandito kami ngayon sa kung saang parte ng school na maraming dumadaan, kumakain, mga nagdadaldalan at mga naglalandian. Kung baga dito yung tambayan pag vacant time mo imbis na sa may library. Nandito kami kasi itong si Zackie hinila kami dito ni Alex para mang hunting ng fafa.

Hays ! Di parin natatapos yung boys hunting adventure namin ng dahil dito kay Zackie e, wala paring suko ang bruha at sige pa din sa kakahanap ng forever niya. Well as bestfriends eto kami support todo max kahit na pinupulikat na kami kakatayo dito, partida mga naka 3 inches heels pa kami niyan.

"Di ko na keri sakit na ng binti ko tapos naiihi na din ako, tara na mag cr muna tayo" sabi ni Alex.

"Oo nga suko na teh ! Tinalo pa natin si manong guard kakatayo dito e" sabi ko.

"Wait lang please girls nafefeel ko na may dadaan ng pogi" sabi ni Zackie.

"Pwes Zackie nafefeel ko na din yung pantog ko na sasabog na tara na !" sabi ni Alex sabay hila sa amin.

Pagdating sa may rest room si Alex nandoon sa loob ng cubicle at naglalabas ng waterness niya samantalang kami ni Zackie nakaharap sa may salamin.

"Tsk ! Sige na nga retouch muna" sabi niya sabay lipstick.

"Aba loka to ! Mukhang may balak ka pa na bumalik doon mamaya ah ?" tanong ko habang nagpupulbo.

"Oo nga ! Subukan mo lang Zackie, magiging mag-isa ka lang dun talaga" sigaw ni Alex habang nasa loob ng cubicle.

"Ano ba yan ! Sige na nga next time na lang ulit" sabi ni Zackie na nakasimangot "Teka Bree nakapag monthsarry na ba kayo ni Izce ?" tanong niya.

Napaisip ako bigla.

Ow no !?

"Shit nung isang araw pa pala yung first monthsarry namin" gulat na sabi ko.

"Shemay di niyo sinelebrate ?" gulat na tanong ni Zackie.

"Nakalimutan ko" sagot ko.

"Chekwa ! Nakamilutan mo ?" gulat na tanong ni Alex na kalalabas lang ng cubicle.

"Anong klase kang girlfriend Bree, di ba siya nagtampo ?" tanong ni Zackie.

"Hindi naman, okay kami di rin niya ata naalala" sabi ko.

"Nakalimutan niya din ? Anong klaseng couple kayo ? Mga abnormal ata kayo e" sabi ni Alex.

"Kaya nga yung iba nga mga excited sa one month nila na ultimo pati weeksarry pinapatos nila" sabi ni Zackie.

Teka kung maka sigaw tong mga to sa akin ngayon parang anak nila ako ah ?

"Eh sa nakalimutan namin e. Okay na yun atleast nakalimutan niya din edi mapayapa ngayon" sabi ko.

"Grabe ! Dapat nga nag date kayo nun e at magpasalamat na umabot pa kayo ng one month, malay mo last na yun edi iyak ka ngayon" sabi ni Alex kaya bigla ko siyang hinampas sa braso "Aray !" daing niya.

"Eh bruha ka pala e. Anong last ka dyan !" sabi ko.

"Joke lang naman, di to mabiro" sabi nito.

Napatingin ako sa salamin. Huhu ! Sayang first monthsarry na sana namin yun e. Bakit ba kasi nakalimutan ko at bakit ba kasi nakalimutan niya din ? Shemay naman oh ! Ano bang ginawa namin nun ?

Isip-isip !

Anak ng daing na bangus ! Di pala kami magkasama nung araw na iyon waaah ! Nasa school ako nagdurusa sa prelim exam at siya naman nasa school niya din at nag-aaral shet huhu ! Ang saya !

My Boyfriend Is A Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon