Pag gising ko ang sakit ng mata ko paano di ka nakatulog ng maayos kagabi dahil di tinanggal ni Izce yung pagkakayakap niya sa akin. Pagtingin ko sa bewang ko wala na yung braso ni Izce, pagtingin ko sa tabi ko wala na din siya.
Di na naman ako nakauwi kagabi sa bahay nito, nag lie na naman ako sa mudra ko buti na lang naniwala siya na debut ng classmate ko at buti na lang tuesday ngayon at walang pasok.
"Nasaan kaya yung ahas na yun ?" bulong ko tapos dahan-dahang bumangon ako at nagkamot ng ulo.
Antok na antok pa akong tumayo sa kama at naglakad papunta sa banyo dahil na wiwiwi na talaga ako. Pero pagbukas ko nanlaki ang mata ko ng makita ko si Izce na nakatalikod at nakaharap sa salamin sa may lababo at nakatowel lang.
Lunok ! Give me some air shete !
Nastroke ako sa kinatatayuan ako at feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko.
Ilang sandali bigla siyang humarap sa akin at mas lalo pa akong nagulat.
"Izce anong nangyari ?" tanong ko.
Izce's POV
When I woke I saw myself hugging Bree, I smiled then I kiss her form the back of her head.
Umupo ako then I stared at her. She was sleeping at natawa pa ako nung makita ko nakanga-nga at humihilik siya habang natutulog.
Inilapit ako ang mukha ko at tinignan pa siya, sinubukan kong pisilin yung ilong niya.
"Haha !" natawa ako nung makita ko yung reaction ng face niya na hindi makahinga.
Tinignan ko ulit siya tapos hinimas ko yung buhok niya at inamoy, okay I know it's sounds gay but I really like her long hair so much.
I kiss her in the forehead then tumayo na ako papunta sa may rest room para mag shower. Nakatowel na ako ng mapatingin ako sa may mirror.
Then I was so shocked when I saw myself.
"Oh sh-it !" I cursed.
I touch my right face and I felt again those green scales.
End of Izce's POV
"Izce anong nangyari ?" tanong ko.
Nakita ko na nagulat si Izce na makita ko siyang ganun ulit.
"Don't look at me girlfriend, wait lang maliligo lang ako" sabi niya tapos sinara niya yung pinto ng banyo.
Ako nakatayo lang sa labas, kung ano-ano ng standing position yung nagawa ko at kung ano-ano na ang naiimagine ko kakahintay sa apo ni Zuma pero hindi pa din siya lumalabas.
Napaparanoid na ako !
Naku ! Baka nag laslas na ng mukha ulit yun ! Waah !
"Izce ! Izce ! Lumabas ka dyan mag hulos dili ka !" sigaw ko habang kinakalabog yung pinto ng banyo pero di siya sumasagot.
Oh my ! Waah nag suicide na ata !
"Waaah ! Izce wag mo kong iwan ! Mahal ka namin waaah ! Mahal kita !" sigaw ko habang mas lalo pang kinakalabog yung pinto ng banyo.
Ilang saglit bigla na lang bumukas yung banyo kaya matutumba na dapat ako pero buti na lang nasalo ako ni Izce dahil nahawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Oh sh-t girlfriend ! Ano bang sinisigaw-sigaw mo !" kunot noong sabi niya.
Nafeel ko na lang at nakita kong doon ako sumubsob sa naked and wet body niya waah ! Feeling ko magfafaint ako.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...