"Izce anong nangyari sa mukha mo ?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Ang lapit parin ng mukha niya sa mukha ko tapos nakaharang parin sa magkabilang gilid ko yung mga braso niya.
Ilang sandali kumunot yung noo niya tapos pinitik ako sa noo.
"Aw ! Bakit ?" daing ko.
"Kanina pa wala to at ngayon mo lang napansin ?" kunot noong sabi niya.
"We di nga ?" nagulat na tanong ko tapos pinitik na naman niya ako sa noo. "Aray boyfriend ah !" nakapout na sabi ko.
"Oo kanina pa wala sh-t !" sabi niya.
"Kailan pa ?" tanong ko.
"When I woke this early morning pagtingin ko wala na naman siya" sagot ni Izce.
"Oh-my-gee !" eksaheradang sabi ko tapos nagtakip ako ng bibig.
"What's that over acting reaction again girlfriend ? Don't tell me sasabihin mo ulit na it's all because of the kiss ?" sabi niya.
"Oy hindi ah !" sabi ko tapos nafeel kong nagblush ako.
"Well okay it's all because of your kiss so kiss me now" sabi niya tapos nilapit na naman niya yung mukha niya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Ano ba Izce ! Di nga yun e" kinakabahang sabi ko habang lumalayo sa kanya.
"Then what is it ?" nakangiting tanong niya.
"Sa tingin ko Izce-- half snake ka talaga" seryosong sabi ko.
Feeling brainy pa ako kasi akalain mo yun naisip ko yung conclusion na yun, hypothesis, analysis and kemerut ! Haha ! kala mo maalam sa science e ?
Nasa kailaliman ako ng pag puri sa sarili ko ng bigla na naman akong pitikin ni Izce sa noo.
"Aray !" daing ko.
Huhu ! Sumusobra na to ah ? Dati pinipisil lang yung pisngi ko tapos ngayon level up na noo ko naman argh !
"What the hell is that kind of imagination !" nakasimangot na sabi niya.
"Theory ko lang naman kasi can't you imagine Izce parang snake ka na nagpapalit balat omogod !" eksaheradang pag eexplain ko.
"Tss ! Well that's not true" sabi niya tapos pumasok na ng kwarto.
Sumunod naman ako pero sa labas lang ng kwarto niya syempre for sure na nagbibihis na siya doon, buti naman. Paglabas niya sinalubong ko agad siya.
"Malay mo diba pinaglihi ka pala sa snake ?" sabi ko.
"Girlfriend, please tell me kung ano ang mga pinapanood mo" sabi niya sabay labas at sara ng pinto ng kwarto.
"Anime lang naman lagi boyfriend bakit ?" sabi ko.
"Then I'm going to kill those who made animes dahil kung ano-ano na ang naiimagine mo" seryosong sabi niya tapos pumunta ng sala at nagsuot ng lens niya.
"Grabe naman boyfriend hindi ah !" sabi ko.
Matapos niyang magsuot ng lens nagsuot naman siya ng shirt at sneakers.
"Girlfriend the scales that I have on my face is in born, my doctor said maybe it's because of the complication sa genetics and everything is unexplainable" sabi niya.
"Doctor ?" tanong ko.
"Yeah, I have a private doctor since when I was a kid. Alam niya ang condition ko and there is no cure for this dahil hindi naman ito sakit" sabi ni Izce.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...