5 months later.
Nasa depungal na pilahan ako ng jeep, ang init na nga ang haba pa ng pila taragis na yan. Yung suot ko na formal na damit nakakabanas na, yung mga dala ko ang sarap ng ibalibag, yung kaninang hair blower dry na hair ko dead na. Jusko! Papasok pa lang ako amoy pauwi na ako.
Matapos ang ilang taon nakasakay narin ng jeep sa wakas. Kung alam ko lang na ganito katagal sana nag fx na lang ako at di na nagkuripot.
Nasa loob na ako ng jeep at kinukuha yung katorse na pamasahe ko, dapat nga seven lang e tutal fifty percent off naman tong upo ko, nyeta na yan.
Tapos itong mga peoplets kitang busy ako sa pagbibilang ng pamasahe ko doon pa talaga sabay-sabay na nagpaabot ng bayad yung mga kupal.
Sa sobrang taranta ko sa mga pag-aabot ng mga bayad nila yung sukli naiabot ko na sa driver, yung bayad inabot ko sa pasahero tapos yung bayad ni ate ewan ko kung bakit ko binilang kung saktong eight kasi bababa lang daw siya sa may kanto. At yung pinakamalala yung bayad ni kuya naibulsa ko, kaya nagtaka ako nun kung bat may otso ako sa bulsa, dun pala galing yun.
Pagbaba ko sakay naman ng mrt at kung ano-ano pa bago ako nakarating sa pinakamamahal ko na trabaho chos!
"Late na naman girlalet?" sabi ng boss ko na bading.
"Over lagi? E lagi kaya akong mas nauuna pa sayo sir" sabi ko sabay upo sa workplace ko.
"Sasagot pa. Aber may tumatawag sayo kanina. To kasi uso magpaload bruha" sabi ni sir sabay balik sa ginagawa niya.
"Oki" sagot ko sabay tingin kung sino phone number pala sa office ni Tovee. Kaya ako na yung tumawag baka kasi importante.
"Hello welcome to Mcdonalds. What is your order?"
"Haha loko-loko" natatawang sabi ni Tovee.
"Bakit napatawag ka ng bongga, anyare?" tanong ko.
"Yayain sana kitang mag lunch?" sabi niya.
"Baliw ang layo naman ata ng Makati sa Ortigas no?"
"It's okay later pa naman e. Tsaka di na ako babalik ng resto pagkalunch ko"
"Okay sige"
"Saan mo gusto?"
"Sa mura haha"
"Haha sige sunduin na lang kita, see you"
"See you" paalam ko sabay baba ng phone. At simula na ang trabaho.
Sa may Jollibee.
"Oh dahan-dahan lang kasi" sabi ni Tovee sabay about sa akin ng softdrinks ko at punas ng tissue sa pisngi ko.
"Gutom kasi ako, di ako nag almusal kasi need kong umalis ng maaga kundi malelate ako sa trabaho ko dahil sa depungal na traffic na yan"
"Really tagal na niyan ah"
"Oo nga e imagine yung imbis na 1 hour lang na byahe ko nagiging 3 hours jusko sa tagal makakapaglaba at sampay pa ako nun e. Ewan ko ba sinisira ng Maynilad na yan yung kalsada ng mag-iisang taon na" paliwanag ko.
"Why don't you take an apartment para malapit ka sa work mo, less hassle yun Bree" suggestion niya.
"Di pa keri dami ko pang binabayaran e, maybe soon papayaman muna ko charot" pero sa totoo lang talaga ayoko mag apartment kahit na magulangs ko na mismo yung nagsusuggest, yoko nga mamimiss ko mama ko.
"Oo nga pala may big client ako next week for catering kakilala ni papa. Guess what kung saan?" masayang share ni Tovee.
"Ano ba to Tovee papahulaan pa ko malay ko ba kung saan yan" sabi ko sabay subo ng chicken joy.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Half Snake
Teen FictionYung nababalita noon na kalahating ahas na nakatira sa mall at nangunguha ng tao? Sabi nila isa lang siyang mythical creature na gawa-gawa, hindi totoo at kwentong barbero lang. Pero shet anak ng meant to be e bakit siya nasa harapan ko ngayon? Huhu...