JESSE'S POV
Habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Livie, nahagip ng paningin ko ang isang babae at isang lalaking nakatingin rin sa gawi ni Livie. Habang pinagmamasdan ko siya naalala ko yung nangyari kagabi.
Kung hindi ako nagkakamali siya nga yun. Si Thea, yung nagturo kung nasaan si Lorie, pero anung ginagawa niya dito? Kung nakatingin siya sa direksyon kung nasaan si Livie malamang magkakilala sila. Kung ganun tama nga ang hinala ko, may kinalaman dito si Livie..
Umalis ako sa tabi ni Lorie para lapitan si Thea, na busy sa pagmamasid sa mga kaibigan ko. Nakangiti ito habang pinagmamasdan niya ang mga napakaingay kung mga kaibigan. Napansin ko din yung lalaking kasama niya, pamilyar at itsura niya. Hindi ako maaaring magkamali si Nicolas to ang kaibigan ni Rain.
Ang liit nga naman ng mundo.
Mukang hindi niya namalayang nakalapit na ako sa kanya, busy na kasi si Nicolas para makipagkamustahan kay Rain. Sabi na nga eh, siya yung high school batch namin nun.
"Teka ikaw yung kagabi ha??" Sabi ko at mukang nagulat siya, dahil sa bigla akung nagsalita pero napawi din yung pagkabigla niya at biglang ngumiti.
"Yes.. ako nga." Nakangiti nitong sagot.
"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatingin kami sa mga kaibigan kung mukang napakasaya.
"Sinusundo si Livie." Tipid niyang sagot.
"Kung ganun magkakilala nga kayo." Sabi ko.
"Yes.." huminga ito ng malalim "kung gustong malaman ang lahat, si Livie na ang magpapaliwanag sainyo. Dahil siya naman ang nakakaalam ng lahat at ayoko siyang pangunahan." Anito at naglakad palayo sa akin at papunta sa gawi nila Livie.
Sumunod na din ako sa kanya para magpakita kay Livie.
"Hey, Thea i miss you." Ani Livie sabay yakap dito.
"Ang daya naman eh bakit ako wala hug?" ani Justine sabay pout pa. "tska teka sino siya?" Nagtatakang tanong ni Justine.
"She is my Friend Thea.. and Thea Meet my Friends.. Christian, Jesse, Rain, Lorie, and Charm." Ani Livie sabay turo sa amin nung binangit niya ang mga pangalan ng bawat isa.
"Hello guys." Ani Thea habang nakipag shake hands sa aming lahat.
"Teka pano ko?" Nagtatakang tanong ni Justine.
"Di magpakilala ka." Ani Livie kay Justine.
Natawa nalang ang lahat, di parin nagbabago ang dalawang ito. Parang aso at pusa parin.
"Hi!! Thea.. i'm Justine." Anito sabay abot ng kamay niya kay Thea pero piningot na agad siya ni Livie.
"Arayy Livie.. damang dama ko talaga ang pagmamahal mo." Ani Justine.
Nagtawanan nalang ang lahat.. Kawawa talaga tung si Justine pag andito si Livie.. tsk tsk tsk..
"Bitbitin mo to." Aniya sabay hagis sa maletang dala niya.
"Sadista" pabulong na sabi ni Jus kay Livie.
"May sinasabi ka?" Ani Livie.
"Wala!!! tara na" ani Jus sabay hila nung maleta palabas na ng airport.
Naglakad nalang din kami at sumunod kay Justine.
"Hey, Mr. Jesse Tarny Perkins.. Di mo ba ko namiss?" Napatingin ako sa nagsalita, nasatabi ko na pala siya.
"Namiss nga kita ng sobra eh." Sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
"Ayan ka nanaman eh." Anito sabay ayos ng buhok niyang ginulo ko.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Novela JuvenilAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...