A/N: Dahil nga po sa ginawa ko tung story na ito para sa Kambal sila na po ang magPo POV.. yung kay Rain po baka pasulpot sulpot nalang.. :)
Tatapusin ko po ito bago mag Christmas dahil itong story na ito ang Gift ko sa kanila ♥
===
JESSE'S POV
Natigilan kami sa sinabi ni Rain.
Hindi ko alam na sasagutin niya yung tanong ni Ma'am Reyes. Mukang tama nga ang sabi ng kaibigan niyang si Nicolas na hindi siya nakikinig, ngayon lang siya naging ganyan sa klase. Active kasi siya at for the first time nawala siya sa sarili niya. At ano bang ininisip niya?? Galit pa din ba siya kay Chris, dahil sa paglayo nito sa kanya? Pero alam ko naman kung para kanino talaga yung sinabi niya. Oo nga naman nasaktan siya sa paglayo ng kakambal ko, pero bakit ang sakit pala talaga ang katotohanang ang taong matagal mo ng gusto ay may gustong iba. At ang masmasakit pa ay ang kakambal ko pa.
Alam ko matindi ang galit sa akin ni Rain, dahil sa pang aasar, pangtritrip ko kasanya nung mga bata pa kami at hanggang ngayon. Hindi ninyo ako masisisi kung bakit ko ginagagawa yun. Yun lang ang paraan para mapansin din niya ako. Para bang nanlilimos ako ng kaunting atinsiyon mula sa kanya, dahil palaging si Chris nalang. Si Chris ang mabait, si Chris ang tagapagtangol, si Chris nalang palagi. Samantalang ako ang masama..
Hindi ba pweding ako naman kahit minsan lang??
Pero hindi na ata mangyayari yun. Dahil bata palang kami sinabihan na niya ako ng "Hinding hindi kita mapapatawag. I hate you sana di nalang kita nakilala." Yun ang mga salitang hinding hindi ko makakalimutan mula sa kanya.
FLASHBACK
9 YEARS AGO..
"Piggy may ibibigay ako sayo"
"Ano nanaman yun ha Jess?" Nakasimangot niyang tanong.
Piggy ang tawag ko sa kanya, dahil ang lusog niya lalo na ang kanyang mga pisngi. At alam kung maiinis siya pag piggy ang tawag ko sa kanya. Ayaw na ayaw kasi niya ng tinatawag na piggy.
"Ito oh" yung nakatago sa likod ko ay ipinakita ko sa kanya.
Laking gulat niya ng nakita niya ang hawak ko.
"Wag mung ilalapit sa akin yan." Halata sa boses niya ang takot at kaba.
"Ha? Eh ang cute nga tignan mo." Inilapit ko sa kanya yung hawak hawak ko. Napaatras naman siya sa paglapit ko.
"Please Jess wag kang lalapit.. " makikita sa mga mata niyang ang namumuong luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Dahil nga sa gustong gusto ko siyang asarin inihagis ko sa kanya ang hawak kung Caterpillar. Yung kulay green..
"Ahhh alisin mo to sakin please.. ahhhh" nagtatalon siya at umiiyak na habang pinapagpag ang katawan niya gamit ang kanyang mga kamay.
"Please tangalin mo to " sumisigaw na siya at ako ay patuloy lang sa pagtawa..
Kung makikita mo ang reaksiyon niya napaka epic ng muka niya..
"Jesse please" humagulgul na ito sa iyak..
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...