MBFOME ♚ 7

146 12 2
                                    

A/N: Wala po akung alam sa Tennis kaya pagpasensiyahan na ninyo.. -_- hula nalang po ito..

====

CHRISTIAN'S POV

Malapit ng matapos ang game, pero napakalapit ng score namin sa kalaban. At ngayon lang nangyari ito. Kanina pa kasi wala sa sarili si Jesse. At mukang may hinahanap, dahil kanina pa ito lingon ng lingon sa paligid.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman"  nakangiting sabi niya.

"Okay sige." Pinabayaan ko nalang siya.

Last set na to at kailangan naming maipanalo ang game na to championship na kasi.

"Go babe you can do it." Napalingon ako kung nasaan ang sumigaw. Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.

"I love you Christian"

"Go go go Jesse"

"Go Perkins Twins"

"Konti nalang mananalo na.."

Mga sigawan ng mga manunuod.

Nagstart na ang Last Set.

Pinalo ko kung bola. Naibalik ng kalaban, naponta sa pwesto ni Jesse at hinabol niya...

Pero

Hindi niya naabutan..

"Jesse are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

Tumango lang siya at tipid na ngumiti. Ano bang problema ng isang ito.

12-14 na ang score. 12 sa kalaban at 14 sa amin. Dalawang puntos lang ang laman.

Pinalo ng kalaban ang bola at naibalik ko sakanila, pero naibalik ulit nila ito sa amin at kay Jesse ito patungo..

"Go Jess. Kaya mo yan." Ang boses na yun. Hindi ako maaaring magkamali. Napatingin ako kay Jesse at nakangiti ito at naibalik ang bola sa kalaban at..

Sigawan ang lahat ng nanunuod..

Nakapuntos kami at kami ang panalo.

Nagtakbuhan ang mga kateam namin ni Jesse."Wow sabi nga mananalo nanaman kayo."

"Congrats bro."

"Inuman na yan."

"Ang gagaling ninyo Congrats guys."

Ayan binati lang kami ng mga kasama namin. Pinaggugulo pa nga yung mga buhok namin. Malakas na tawanan lang ang umaalingaw ngaw dito sa court.

Nagpalinga linga ako para hanapin ni Rain pero, Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Charm sa tabi ko at niyakap ako.

"Congrats babe" aniya habang nalangiting lumapit sa akin.

Nginitian ko siya at "thank. You babe" sabi ko at laking gulat ko ng hinalikan niya ako sa labi.

"Wow buti pa si Christian nakapuntos na agad" sabi ng isa sa mga kasamahan ko at nag sigawan ang lahat. Nawala ang tawanan ng biglang may tumakbo palayo sa amin.

"Rain" tawag ni Jesse.

Wait nakita ba ni Rain??

Oh no...

Hinabol ni Jesse si Rain at kasama din pala niya sila Livie at isang lalaking pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung san ko siya nakita pero, WTH si Rain bakit siya tumakbo?? Ano bang nangyayari..

Lumapit sa akin sila Livie para batiin ako. Pero bago yun tinignan muna niya ang kasama ko mula ulo hanggang paa. At inirapan si Charm."Congrats Chris." Ani Livie. "Thanks" tipid kung sagot. "Ah nga pala Chris, Rain's couz Justine, Justine Rain's best friend Chris" pagpapakilala niya sa kasama niya. "Hi, nice to meet you Chris. So ikaw pala ang best friend ng pinsan ko." Aniya. Tumango ako. "Nice to meet you too, yhap ako nga." Nakangiting sabi ko. "By the way si Charm nga pala Girlfriend ko" pagpapakilala ko kay Charm.

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon