JESSE'S POV
Ilang araw na ang nakakalipas mula ng malaman namin yung about sa pagiging Fiance ni Christian kay Lorie.
Hindi ko alam kung bakit tinangap ni Christian ng basta basta ang gusto ni Lorie. Wala akung idea kung ano ba ang iniisip niya. Dahil hindi lang ang sarili niya ang sinasaktan niya, kung hindi ay maging ang damdamin ni Rain.
Nabigla ako sa mga naging desisyon niya at hindi lang ako, kung hindi maging ang bagong dating ng gabing yun sa private room kung nasaan kami. At mukang narinig nila ang huling sinabi ni Christian.
FLASHBACK
Nakarating kami sa Private room kung saan kami maaaring makapag usap ng matino. Dahil naguguluhan talaga ako. Kung kailan narito na si Rain may ganitung mangyayari, at mukang alam ito ng mga magulang namin at kami lang ang hindi.
Hindi ko naman magawang magalit sa kanila dahil mahal na mahal ko ang mga magulang namin. Ang kailangan ko lang ay paliwanagan sila. Na hindi naman nagmamahalan ang dalawa. Ang sana lang ay maintindihan ito ng mga magulang namin.
"Ano bang kalokohan to?" Agad kung tanong ng makapasok ang lahat sa kwarto.
Nakaupo sa isang round table ang mga magulang namin ni Christian, at ganun din ang mga magulang ni Lorie. Habang ako nakatayo malapit sa pinto, habang si Christian ay nasa tapat ng bintana at nakatingin sa labas, habang si Lorie ay nakaupo sa gilid ng kama.
"Jesse, huminahon ka." Sabi ni Mommy.
"Mom pano ako hihinahon kung alam kung naiipit si Christian dito." At sabay lingon kay Christian "at hindi ako papayag sa mangyayari."
"Pero wala namang Girlfriend ang kapatid mo." Mom said again.
"Mom look, okay? Hindi nanligaw o nagkaGirlfriend si Christian dahil may inaantay siya." Inalis ko ang tingin ko sa kakambal ko at binaling kay Mommy.
"Kung ganun sino yung inaantay niya?"
Napalingon ako sa nagsalita si tita Loretta ang Mommy nila Lorie.
"Tita Ma---" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Christian.
"Ano ba talagang gusto mo Lorie?" Tanong nito na nakatingin sa deriksyon ni Lorie.
Napangisi si Lorie sa tanong ni Christian. At dahil dun napakunot naman ang noo ko.
"Gusto?(she smirk) Ang magdusa ang kapatid ko." Aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Magdusa ang kapatid niya? Kung ganun may matinding galit siya kay Rain.
"Lorie" pasigaw na sabi ng Daddy nila.
"Why Dad? Ipagtatangol mo nanaman siya? Kakampihan mo nanaman?" Pasigaw na sabi nito, pero nagawa pa rin niyang ngumisi sa kanyang Ama. "All this time Dad, kahit malayo si Rain siya pa din, kahit ako ang nasa tabi ninyo siya pa din ang bukang bibig ninyo ni Mommy." Napahinto siya sa pagsasalita at lumingon kay Chris. "Kaya nung nalaman kung mahalaga si Christian sa kanya, pinilit ko kayo ni Mommy na kausapin ang mga magulang nila para sa Arrange Marriage."
Natahimik ang lahat maging ako walang nasabi. So Plano pala niya ang lahat ng ito. Maging ang mga magulang namin nagulat sa nalaman.
"Hindi ko talaga kilala si Christian, naririnig ko lang siya kay Rain pag may kausap ito sa phone, at mukang masaya siya pag nababangit ang pangalan nito." At may pumatak na tubig sa mata niya. "At ayokong nakikita siyang masaya, samantalang ako hindi. I'm a good daughter pero pinapadama ninyo sa akin na mas mahal ninyo si Rain."
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Novela JuvenilAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...