A/N: Hello guys, i dedicated this chapter to THERESA ORTENERO my friend.. isa din siyang Perkinspired :) ang grupo na sumusuporta sa mga boyfriends ko whahaha charot lang.. kila JESSE & CHRISTIAN PERKINS :) na gaya kung nagmamahal sa kanila :)
Yun lamang po at maraming salamat..
Back to the story...
===
RAIN'S POV
Mag uumpisa na ang game.
Kung itatanong ninyo kung kinakabahan ako?? Oo kinakabahan ako, dahil baka kung anung maitanong nila at hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang lakas ng loob para sagutin ang mga ibabato nilang tanong.
Pero bahala na si BATMAN...
Inumpisahang ipaikot ni Jesse ang bote, at habang umiikot ito sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
"Wahhh"
Nagulat ako sa sumigaw kaya napatingin ako kay kuya Justine.
"Grabe ka Justine, kung makatili ka dinaig mo pa ang babae." Ani Charm.
"Eh nagulat ako, ako pa talaga ang nabwena mano ng bote na yan." Ani kuya habang nagkakamot ng ulo.
Kaya pala siya sumigaw, sa kanya tumapat yung bote..
Kung sinuswerte ka nga naman..
"Amin na kamay mo." ani Jesse
"Aanhin mo?" Takang tanong ni Kuya Justine.
"Basta" nakangiting nakakaloko ang pinakawalan ni Jesse.
Kinakabahang inabot ni Kuya Justine ang isang kamay niya kay Jesse.
"Yung isa pa." Utos ni Jesse kay Kuya Justine.
"Oh ayan na saksak mo sa baga mo." Abot ni kuya sa dalawang kamay niya kay Jesse at aba nagawa pang mag pout.
"Ahhh what the" sigaw ni kuya "aray ko Jesse masakit."
"Hahaha para kang bakla Justine" natatawang sabi ni Chris.
"Kung pag umpugin ko kaya kayong magkapatid dito." Namimilipit na sabi ni kuya kay Chris.
Pano ba kasi hinigpitan ni Jess ang pagkakahawak sa dalawang kamay ni kuya Justine. Yung parang magkaholding hands yung kamay tapos hahawakan mo yung magkabilang gilid ng mga daliri. Yun na yun mejo mahirap ipaliwanag.
"Okay ito na ang tanong, truth or consequence?" tanong ni Jess kay kuya.
Tumahimik ang lahat..
"Truth, aray naman Jesse masakit" riklamo nito.
"Okay, tutal narito kana kailan uuwi yung kalove team mo?" Nakangising tanong ni Jess.
Napakunot ang noo ni kuya sa tanong ni Jess. "Aba malay ko sa amasonang yun." Aniya at hinatak ang kamay niya sa pagkakahawak ni Jess at nagkamot ng batok.
"Miss mo na?"tanong ko.
"Sobra." Aniya ng may ngiti sa labi.
"Oh kahit nasagot mo, di ako kuntento. Inumin mo to" ani Jess at inabot ang isang baso ng tiquila..
"Ang daya talaga." Ani kuya pero inabot parin yung baso at ininum yun agad.
Inumpisahan nang ipinaikot ni kuya ang bote at humito kay..
"Wah ang malas naman" ani Charm.
Napangiti nalang ako sa reaction niya.
"okay ako ang magtatanong" ani kuya, pero hindi na niya hinawakan ang kamay ni Charm gaya ng ginawa sa kanya ni Jess kanina.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Roman pour AdolescentsAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...