A/N: wow dahil sa matinding pasasalamat mo sa akin THERESA ito ang bilang ganti ko. Mabait ka sa akin, mabait din ako sayo. :)
====
Parang nauulit nanaman ang mga nangyari noong high school kami. Dati kaunting problema lang yun, pero ngayon? Hindi na. Malalaki na kami at nasa tamang pag iisip at gulang na. Matatanda na kami para takasan pa ang mga ganitong problema.
At dahil dun ayoko ng takasan pa ang mga problemang dumarating. Dahil kung tatakbuhan ko ito, mapapagod at mapapagod lang din ako. Kung ito na talaga ang panahon para magkaliwanagan kami gagawin ko. Oo lasing ako pero alam ko parin ang ginagawa ko.
Maraming taon na ang nasayang. Ilang araw na kaming nagkita, pero sa pagkikitang yun naging kumplekado ang lahat. Pareho kaming nasasaktan, at nagdurusa sa mga panahong lumipas. At ayoko na sanang mangyari pa yun.
"Sorry" napatingin ako sa kanya.
Pinilit kung ngumiti "Ako dapat ang humingi sayo ng sorry." Sagot ko. Kung hindi siguro ako dumating sa buhay nila hindi siya makakaramdam ng ganitong sakit. Dahil sa pagiging pabaya kung tao..
"Please Rain, wag kang ngumiti kung hindi mo kaya." Aniya ng nakatingin sa akin.
Minsan kailangan mo din ngumiti para malaman nila na kahit nasasaktan ka, kinakaya mo pa.
Pero...
Nawala ang ngiti sa aking mga labi sa mga katagang sinabi niya. Kilalang kilala parin pala niya ako.
"Alam kung hindi ka mayasa, kaya please Rain. Wag kang magtago sa akin." Aniya at hinawakan ang muka ko. Magkalapit lang kami ngayon.
Parang gusto kung tumakas, makikita nanaman niya akung mahina at nasasaktan.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Ayokong nagpapangap kang masaya kahit hindi. Rain alam kung nasasaktan kita."aniya.
Walang taong gustong masaktan, pero wala ding taong matutuo kung hindi ka masasaktan.
Napatingin ako sa kanya "hindi Chris ako ang dapat mag sorry. Dahil nagiging panggulo ako sa buhay mo, ninyo." Sagot ko sa kanya.
Totoo naman di ba? Mula nang naging magkaibigan kami naging kumplekado na ang lahat.
"Hindi never kang naging panggulo sa buhay ko. Naging masaya ako mula ng makilala kita. Oo masakit sa akin na umalis ka at di nagparamdam ng mahabang panahon, pero ginusto kung mag antay. Dahil mahal na mahal kita." Aniya.
Nabigla ako sa sinabi niya, ng biglang may tumulong luha sa aking mga mata.
"Ang sabi ko nung bago ka umalis aantayin kita diba? Kaya narito ako ngayon sa harap mo, ipaglalaban kita Rain. Dahil ayokong nakikita kang nasasaktan." Aniya at pinunasan ang mga luhang tuloy tuloy na dumadaloy sa aking mga mata.
"Pero paano si Lorie? Fiance mo siya." Natatakang tanong ko.
Ayoko namang maging sagabal sa magiging buhay nila.
"Mag uusap ulit kami ni Lorie, sasabihin ko na ayoko na. Hindi rin naman namin mahal ang isa't isa. Ayokong magpatali sa babaeng hindi ko mahal. Dahil ikaw lang ang babaeng gusto kung makasama habang buhay." Napangiti nalang ako sa sinabi niya feeling ko nawala yung pagkalasing ko sa narinig ko mula kay Chris. Nagtitiwala ako sa sinabi niya dahil may tiwala ako sa taong kaharap ko ngayon..
Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Lalaban tayo Chris, dahil mahal na mahal din kita."
"Oo lalaban tayo, at hinding hindi susuko." Aniya.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...