MBFOME ♚ 10

126 10 2
                                    

RAIN'S POV

May mga panahong malungkot ka, at may mga panahong nagiging masaya tayo, pero ilan lamang yun sa natural na nararamdaman ng isang tao. May mga time na masasaktan ka, pero sa bandang huli may matututunan ka.

Sa edad naming yun, wala pa yan sa nararanasan ng ibang tao. Dahil ang nagiging problema lang namin noon ay ang mga hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Kung tutuosin napaka liit lang ng mga problemang dumarating. Nagiging mahirap lang dahil sa kakitiran ng utak ng bawat isa.

Like sa Love, siguro sinasabi na nating love yung nararamdaman natin para sa isang tao pero hindi pala. Siguro sa edad naming yun noon, ito palang yung tinatawag na puppy love. Na crush crush lang, at hindi dapat sineseryoso.

Kahit magselos ka ng ilang daang beses ayos lang, isa yan sa parte ng pagmamahal. Sabi nga kung hindi magseselos ang isang tao, hindi ka mahal nun. Pero kung nagselos siya matuwa ka na dahil mahal ka niya.

Pero isipin nating mabuti, sa Love mararamdaman mo lahat. Mararanasan mung maging masaya, magmahal, magpaka tanga, magparaya, masaktan, maging manhid, mawalan ng tiwala, pero ang lahat ng yan may matututunan ka.

Basta ako naging kuntento ako sa pagiging mag Best friend namin. Hindi man noon, pero sa tamang panahon mararamdaman din naming magmahal ng pareho.

Yung hindi lang ako o siya ang namamahal, kung hindi ay pareho kami.

Basta naniniwala ako sa pangako niya na hihintayin namin yung panahong yun.

Naging malayo man ako sa kanya ngayon, at wala ako sa tabi niya alam kung tutupad siya sa mga pangako na binitawan niya.

First Love ko si Chris, pero ewan ko kung sa pagkikita ulit namin ay pareho parin kami ng nararamdaman at pagtagpuin ulit kami ng tadhana yun siguro yung tinatawag na DESTINY.

Sa ilang taon na nawala ako, napakahirap pero kinaya ko. Tandang tanda ko pa yung araw na nag kaayos ang lahat dahil sa kabaliwan ng tatlong lalaking yun. Naging masaya at napuno ng magagandang alaala ang araw na yun. Mga palakpakan at sigawan ng mga tao ang umalingaw ngaw ng mga panahong iyon.

Masarap balik balikan ang mga alaalang lumipas na pero nagpapasaya parin ng husto sayo.

FLASHBACK

"Rain Let's go" Ani ate Livie habang hatak hatak ako papuntang kotse.

"San ba talaga tayo pupunta ate?"takang tanong ko. At nakapasok sa kotse niya.

"Sa mall" aniya.

"Mall? Anung gagawin natin dun?"

"May mall show si Sam Concepcion eh" nakangiting sabi niya.

"Seriously ate?"

"Yhap i want to see him"

"Ate naman eh." Pagmamaktol ko.

Hindi na niya ako kinibo pero kita mo parin yung ngiti sa kanyang muka. Mukang may binabalak ang isang ito.

MALL...

Nakarating kami sa mall at napakaraming tao ngayon. At mukang may Mall Show ngang naganapin dito ngayon. Napakaraming tao, na nakapalibot sa stage.

"Excuse me" ani ate Livie sa mga tao at nakipag siksikan talaga kami para makapunta sa harap. GRABE UMIRAL NANAMAN SA PAGIGING FAN GIRL ANG ISANG TO. Sa isip isip ko. Napalingon ako sakanya at mukang may kausap sa phone niya at nakangiti pa at mukang excited sa mga mangyayari ngayon. IF I KNOW FAN YAN NI SAM C. KAYA MUKANG EXCITED.. -_- PERO HINDI KO SIYA MASISISI TALENTED SI SAM C. LIKE JESSE AND CHRISTIAN..

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon