RAIN'S POV
"Rain, wag ka munang pumasok ngayon"
"Bakit po manang?" Takang tanong ko.
"Ngayon ang uwi ni Justine, susunduin mo daw siya sabi ng mommy mo."
"What? Manang uuwi si Justine?" Takang tanong ko.
"Ay paulit ulit??" Pambabara ni Manang sa akin.
"Wow manang nagagaya ka na kay Vice ha." Natatawang sagot ko.
"Hahaha ang galing kasi niyang magpatawa eh, nga pala gumayak ka na 10 am ang dating ni Justine"
Tumango nalang ako bilang sagot.
Wow excited na kung makita si Kuya Justine. Ang tagal na din niyang hindi umuuwi dito sa Pinas, miss ko na siya panigurado magugulat si ate Livie hihihi :)
AIRPORT
Hindi ko akalaing narito si Jess, Bwisit talaga si Kuya Justine kahit kailan. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Hindi kasi ako sanay na magkasama kami lalo nat naiinis ako pag nakikita ko siya. Pero bakit ganito, hindi niya ako pinagtritripan ngayon. Parang napaka lalim ng iniisip siya.
"Rain" Nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Dati kasi Piggy ang tawag niya sa akin, ngayon tinawag niya ako sa pangalan ko..
"Hmmm" hindi ko kasi alam kung anung sasabihin ko.
"Sorry Rain" Natulala ako sa sinabi niya. Ang isang JESSE PERKINS humihingi ng sorry sa akin?.
Pero hindi, ang hirap paniwalaan.. "Anung Pangtritrip nanaman yan Jess?"
"Hindi ako nang tritrip Rain, alam mo ba? Napag isip isip ko, bata palang tayo hindi na tayo magkasundo. At hindi na tayo bata. Nakakasawa din pala Rain" bakas sa muka niya ang pagiging seryoso. "Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo pa ako." Nakayukong sabi niya.
Sa loob loob ko, bakit parang ang saya saya ko. Parang nabawasan ang dinadala ko dito sa dibdib ko.
"Sino ba naman ako para hindi magpatawad Jess, ikaw lang naman ang inaantay ko eh. Alam mo ba, matagal ko na itong pinapangarap ang magkaayos tayo." Nakangiting sabi ko.
"Natatakot kasi ako na baka hanggang ngayon hindi mo parin ako napapatawad."
"Napapatawad saan?" Takang taong ko.
"About dun sa Caterpillar"
"Ah yun ba, nabigla lang ako nun. Takot na takot ako nung mga panahong yun, ayaw na ayaw ko kasi ng Caterpillar." Sagot ko.
"Sorry sa lahat lahat, sana maging magkaibigan na tayo."
"Hindi pa ba tayo mag kaibigan? Kasi ako bata palang tayo itinuring na kitang kaibigan. Yun nga lang ginawa kitang moral enemy ko. Pero pwede naman tayong mag umpisa sa simula eh."
Napangiti siya sa sinabi ko. Yung galit na nararamdaman ko pag nakikita ko siya nag iba. Ang sarap sa pakiramdam na nagkaayos na kami ni Jess.
"Salamat sa pagkakataon na binigay mo Rain, hinding hindi ka magsisisi." Hinigit niya ako palapit sa kanya at hindi inaasahang niyakap niya ako ito ang unang pagkakataong niyakap niya ako.
Ano ba tung nararamdaman ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG bakit ganito?.
"Hmm Jess, pinagtitinginan na tayo." Tinapik ko siya sa likuran niya.
Bumitiw siya sa pagkakaakap at ngumiti.
"Pasensiya na masaya lang ako, hindi ko aakalaing magkakaayos tayo."
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Ficção AdolescenteAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...