MBFOME ♚ 14

112 11 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

Graduation day na namin ni Jesse bukas, at masaya ako dun pero nananatiling palaisipan sa aming dalawa ang tungkol sa invitation na yun. Anung pakulo kaya ito, bakit parang may mali.

Wala ring nakakaalam kung anung mangyayari sa party na yun. Maging sila Mommy at Daddy gusto kaming papuntahin roon. Hindi ko alam kung bakit pero kailangan raw ay naroon ako at hinding hindi mawawala. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa party na yun at kung ano man yun walang nakakaalam.

"Phone call" nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko.

"Wala ka nanaman sa sarili mo." Aniya.

Tipid lang akung ngumiti at kinuha yung phone sa kamay niya.

"Hello" pambungad ko. Hindi na rin ako nag abalang tignan kung sino yung tumawag.

"CONGRATZ CHRIS" inilayo ko yun phone sa tenga ko, pano ba naman kasi sumigaw ba naman.

"Hindi mo naman kailangan sumigaw."

"Eh hindi ka pa ba nasanay?" Aniya, panigurado ko nag P'pout na ang isang ito.

"Hindi ako sanay na ganyan ka. By the way thank you sa pag bati."

"Nakakainis ka naman eh, pero papalagpasin ko yan ngayon Chris." Aniya.

"Tsk"

"Bat ba nagiging suplado ka ngayon?" Tanong niya.

"Hindi ka pa ba nasanay?" Balik ko sa sinabi niya kanina.

"Hindi, dahil hindi ka dating ganyan."

Mukang pagsasabihan nanaman ako ng isang ito.

Alam na talaga niya ang ugali ko.

"Mula ng umalis siya naging ganyan ka na Chris. I miss the old Chris." Malungkot ang tono ng boses niya."Payong kaibigan lang Chris kailangan mung magpakatatag hindi lang yan ang haharapin ninyong pagsubok, pinapaalalahanan na kita Chris. Wag mo siyang isusuko kahit na anung mangyari." Anito.

"Anung ibig mung sabihin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon Chris, pero sa ngayon ang masasabi ko lang ay wag mo siyang bibitawan." Napatango ako sa sinabi niya. Na para bang nakikita niya ako.

"Kahit na anung mangyari hinding hindi ko siya kayang isuko." Nakangiting sabi ko. "Masyado ko siyang mahal para isuko siya Livie. At sana narito ka." Sabi ko sa kanya.

"Mag kikita ulit tayo Chris pero hindi ngayon, pag kanailangan ninyo ako babalik ako." Kahit papano napapangit nalang ako sa mga sinasabi ni Livie.

"Salamat Livie dahil kahit malayo ka, nagagawa mung pagaanin ang kalooban ko."

"Wag ka sakin magpasalamat." Aniya.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Si Jesse ang tumawag sa akin para kausapin ka, kung hindi pa siya tumawag hindi ko pa malalaman na nagkakaganyan ka." Anito.

"Sorry Livie." Napayuko nalang ako.

"Ayos lang yan Chris. Basta wag mung pababayaan ang sarili mo. Dalawa kayo ni Jesse ha. Masyado ko kayong mahal para masaktan ng ganyan, hindi ko kayo sinasaktan tapos sila sasaktan kayo? Makikipag away talaga ako para sa inyo." Natangiti ako HOW SWEET LIVIE.

"Hahaha napaka sweet mo naman."

"At least napatawa kita." Hindi ko namalayan napatawa pala ako sa mga sinabi niya.

"Salamat"

"Always Welcome Chris."

"Okay goodbye, and take care" pagpapaalam ko sa kanila.

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon