MBFOME ♚ 11

99 10 2
                                    

JUSTINE'S POV

Sa taong lumipas nakakatuwang isipin ang mga pinag gagagawa ko para lang mapatawad niya ako. Kung kanikanino ako humingi ng tulong at buti nalang may plano ang kambal na isurprise si Rain. Dahil sa nabanggit ko na aalis siya. Kaya napag isipan ko naring isabay ang plano ko, at pumayag naman sila.

Ang plano kasi noon kasabwat si Livie sa surprise ng kambal pero ang hindi niya alam na pati siya isusurprise ko. At syempre masaya ako sa naging risulta. Napatawad niya ako, at hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun..

FLASH BACK

Sobra ang kaba na nararamdan ko. Naiisip kung tatalab kaya sa isang Livie ang kabaduyang ito. Pero who knows? Baka magustuhan niya..

Pakatapos paiyakin ni Christian si Rain este kantahan pala nag umpisa na rin akung umakyat sa stage..

First time kung gagawin ito, at para sakanya lang.

Habang paakyat ako ng stage kinakabahan ako ng sobra sobra. Ganito pala yung feeling na mag eeffort ka para lang mapatawad ka niya.

"Madami na akung kasalanan at sana mapatawag mo na ako, pinagsisisihan ko ang lahat ng aking pagkakamali." Pero kahit gaano pa ako kinakabahan ngayon nasambit ko ang mga katagang iyon.

Nakapunta ko sa stage at kitang kita ko kung gaano karami ang tao. Pero iisa lang ang taong hinahanap ng aking paningin.

At walang iba kung hindi si Livie.

Mukang nabigla siya kung bakit anung ginagawa ko rito sa taas ng stage kasama ang kambal.

"Sinabi ko sayo gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. At kahit sobrang baduy tung gagawin ko ayos lang basta para sayo." Nakangiting sabi ko.

Nagsitilian ang mga tao sa paligid. Maging si Rain ay napapangiti, at si Livie naman tulala parin hanggang ngayon.

Tumingin ako sa kambal at tumango, nakangiti sila pareho.

Nag umpisang tumugtog ng gitara si Jesse.

Para Lang Sa'yo
By: PerkinsTwins

Pano ba sasabihin sa'yo
Ang laman ng damdamin
Ang tibok ng PUSO
Ay hindi ko na kayang pigilan

Base sa kanta ito talaga ang gusto kung iparating sa kanya. At sana maintindihan niya ng husto ang kantang ito.

Matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito. At sana hindi ako mabigo.

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta, back up singers ko ang kambal. Oh di ba ang galing..

Anung gagawin upang
Ang puso mo'y maging akin
Bakit ba di ko magawa na
Ikaw ay limutin

Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kung patunayan para lang makuha ang tiwala at pagpapatawad mo Livie. Kahit nasa malayo ako walang ibang pumapasok dito sa utak ko kung hindi ang muka mo. Ikaw ang babaeng hinding hindi ko kayang kalimutan. Dahil ikaw lang ang laman nitong aking puso.

Nagmamahal ako
Ito ay para lang sa'yo
Di na maawat pa
Nilalaman ng Puso kong ito

Nabigla ako ng may makitang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Sana ay pansinin pag-ibig ko sa'yo
Nang maipadamang lubusan
Na tanging ikaw ang siyan
MINAMAHAL

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon