A/N: Btw thank you sa pag Appreciate ng kaunting ginagawa ko para sa inyo JESSE and CHRISTIAN alam ko kasing nababasa inyo ito kaya dito ko na sinasabi.. Love You Guys.. :)
===
JESSE'S POV
Sa gabi ito napakatahimik maliban nalang sa dalawang aso't pusa. Daig pa nila ang bata kung mag away.
Pero natahimik ang lahat ng dumating ang kakambal ko, kasama niya si Charm. Alam ko naman na napilitan lang ang kapatid ko para ligawan si Charm at isa pa alam kung hindi niya ito mahal.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa isip ng kakambal ko. Pero nararamdaman ko nasasaktan rin siya sa mga nangyayari. Oo mahirap sa magkapatid na iisa ang taong minamahal, kailangang magparaya ng isa. Pero hindi ko lubos inakala naisusuko niya si Rain ng basta basta. Hindi ko alam kung may pinaplano ba siya. Mahirap basahin ang iniisip niya.
Tama kayo ang sabi ko noon ipaglalaban ko si Rain pero mahirap pala na nakikita mo na nasasaktan ang kapatid mo. Ang mga mata niya na napaka lungkot, hindi ko siya matiis. Mahal ko ang kapatid ko at gusto ko si Rain, pero ewan siguro bilang isang kaibigan.
Masaya na ako na nagkakasundo kami ngayon ni Rain. At sana mag kaayos na din ang dalawa. At isa pa bakit ako makikigulo kung alam kung hindi naman ako kailangan dito at magiging panggulo lang ako.
Siguro kailangan ng maayos ang mga gulong ito para maliwanagan na ang lahat.
"Guys halikayo" tawag sa amin ni Livie.
"Ano ba yan?" Tanong ni Chris.
"Ayoko sa ganitong sitwasyon, magsilapit kayo." Sigaw ni Livie. Kaya napalapit sa kanya ang lahat.
"Bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ni Justine.
"Wala kang paki alam." Pagtataray nito.
"Nakakatakot siya babe" maarting sabi ni Charm. At oo kasama siyang dumating ng ni Chris.
Pero narinig ni Livie ang sinabi ni Charm."FYI Charm, kung ayaw mung nakakakita ng magandang dimonyo wag kang pupunta dito." Inis pa ring sabi ni Livie. At halata ang pagkatakot ni Charm at matinding kapit ang ginawa niya sa braso ni Chris.
"Wag mo namang takutin si Charm" ani Chris.
Tinaasan siya ng kilay ni Livie. "Ano bang pakialam ko sa kanya Chris? Hindi ko siya kaibigan so bakit ako makikisama sa kanya?" Pagtataray nito.
"Ate" awat ni Rain.
"Tama na yan Livie, kaya ko kayo pinapunta dito para mag ayos ang mga dapat magkaayos." Tumayo ako at hinatak si Charm.
"Wait Jesse san mo ko dadalhin?" Nagtatakang tanong niya.
"Basta sumunod ka lang." Hinatak ko siya patungo sa Garden. Alam kung makakagulo lang siya sa mga dapat mag uusap usap. At pagkatapos ng gabing ito magiging maayos na ang lahat. At kailangan na ring malaman ng babaeng ito ang katotohanan.
===
RAIN'S POV
Nabigla kaming apat ng hilahin ni Jesse si Charm palayo sa amin.
Kailangan naba naming makapag usap at ito naba ang tamang panahon??
"Mas mabuti na to para makapag usap na kayong dalawa, dahil alam nating lahat na pareho na kayong nasasaktan." Ani Ate Livie.
"Hindi lang sila ang dapat mag usap kung hindi tayo din." Ani kuya Justine.
Napatango nalang si ate kay kuya. Siguro nga ito na ang panahon para magkaayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...