RAIN'S POV
"Papatayin mo yan o ikaw ang papatayin ko?" Pagbabanta ni Ate Livie kay Kuya Justine..
"Grabe ka my loves.. damang dama ko talaga yung pagmamahal mo.." anito sabay pout pa.
Natatawa nalang kami dito habang pinapanood kung papano magbangayan yung dalawa.
"Kaunti nalang Justine, bibingo ka na sa akin.." inis na sabi ni Ate.
"Hindi naman tayo naglalaro ng bingo.. eh bakit ako magbibingo sayo my loves?" Nagtatakang tanong ni Kuya Jus.
"Sira ulo ka talaga.. akin na yung remote.." sabi ni ate sabay lahad ng kamay niya para antayin na ibigay sa kanya ni Kuya Jus yung remote.
"Bakit ba kasi ayaw mung mapanood yan?" Anito.. pero hindi pa din binibigay yung remote..
"Nagmumuka kang ewan sa pinapanood mo.." ani ate Livie sabay iwas ng tingin kay Kuya Jus.. ang cute talaga nilang pagmasdan pagnagtatalo sila ^_^ walang pinagbago..
"Anung mukang ewan ka jan my loves.. Ang cute kaya natin jan." Ani kuya sabay ngiti ng nakakaloko kay ate..
"Nakakatawa talaga pagnagtatalo ang dalawang yan.."
Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko..
"Yeah wala pa ding pinagbago." pagsang ayon ko sa kanya.
Ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. Nakaupo kami ngayon dito sa sofa.
Narito pa din kami sa tambayan ngayon.. actually lahat kami narito.. Ako at si Chris, si Jess at Lorie, si Kuya Jus at ate Livie, sila Thea, Nicolas at Charm.. buong barkada..
Naghahanda ng pagkain yung tatlo.. sila Nicolas, Thea at Charm.. habang sila Lorie at Jess nag aayos ng kakainan namin sa labas. Gusto kasi nilang mag picnic eh. At kami ni Chris ayaw nila kaming patulungin, kaya heto kami busy sa panonood ng dalawang taong nagbabangayan.
"Parang ang sarap balikan yung araw na yan."
Napatingin ako sa tinitignan niya.
Yung kanina pa gustong ipapatay ni Ate Livie.. Yung T.V na nagpl'play nung video nung surprise na ginawa nila bago ako umalis. Yung surprise na akala ko para sa akin lang pero meron din pala kay Ate Livie. Dahil sa nagsorry si Kuya Jus sa mga nagawa niya kay Ate..
"Yan yung hinding hindi ko makakalimutan Chris.." nakangiti kung sabi.
"Dahil mahalaga ka sa amin.. kaya kahit ano kaya naming gawin para sayo." Ani Chris habang nakatingin parin sa akin.
"Alam ko naman yun Chris eh.. at binaon ko ang mga alaalang yun nung umalis ko." Nakangiti kung sabi habang nakatingin sa kanya "lahat ng masasayang alaala nating magkakasama binaon ko.. pati ang pagmamahal ko sayo Chris binaon ko." Pagtutuloy ko.
"Ang sarap lang balikan ng nakaraan" anito.
"Tama ka jan Chris.. masaya man o malungkot na nakaraan, nakakatawa lang na balikan." Nakangiti kung sabi..
"Dahil lahat ng nangyari may natutunan tayo... at yun ang mahalaga." Aniya.
"At maslalo tayong naging matatag." Anito at hinalikan niya ako sa noo.
Napapikit nalang ako habang nakangiti..
Isa lang ang masasabi ko i love this man very much.. :)
"Nako tama na yan nilalanggam nga kami sa labas pati dito rin pala.." sabi ng bagong pasok.. kaya napahiwalay nalang kami ni Chris sa isa't isa at sabay na natawa.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Novela JuvenilAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...