MBFOME ♚ 18

85 9 7
                                    

CHARM'S POV

"Bakit nahihirapan tayong magpatawad? Akala kasi natin minsan, tayo lang ang nasasaktan." Yan ang nakikita ko kay Lorie, habang inaanunsiyo niya na fiance niya si Christian. Ay kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata, habang tinitignan niya si Rain. Habang sa mga mata ni Rain ay ang lungkot at sakit na kanyang nararamdan sa mga oras na ito. May galit si Lorie kay Rain, pero hindi ba niya nakikita na sobrang nasasaktan ang ang kapatid niya? At kung ano man sanang galit yun ay hindi ba niya kayang patawarin si Rain? At kaya niyang gawin ito sa kapatid niya?

Pagkatapos sabihin ni Lorie na fiance niya si Christian ay nagkaroon ng mga bulung bulungan. Lahat ay nabigla sa mga nangyayari, si Rain ay umalis ng umiiyak. Sino ba namang tanga, na ang taong gusto o mahal niya ay fiance ng kapatid niya. Sinong matutuwa sa mga bagay na yun?

Sinubukan siyang habulin ni Jesse, pero pinigilan ko.

Habang si Christian ay tulala lang pero alam kung nasa katinuan siya dahil makikita ang inis sa kanyang muka.

"Anung ibig sabihin nito?" Pasigaw na sabi ni Jesse habang ginugulo ang buhok niya.

"Jesse" may authorida na sabi ng Mommy nila.

"Mom ano bang kalokohan ito?" Inis niyang tanong sa kanyang Mommy.

Ngayon ko lang siya makitang ganito.

"Pwede ba wag kang makialam." Ani Lorie. "Kung gusto ninyong makipag usap may private room kami dun tayo mag usap usap, alam kung nabigla kayong lahat" aniya at tumalikod.

Sumunod sa kanya ang kanyang mga magulang at napatingin ako sa mga magulang ni Jesse at tumango sila bilang pagsang ayon.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumulo ang dugo ko sa kanya. Bigla akung nainis, ewan ko kung bakit.

Tinapik ni Jesse si Christian sa balikat, at tumango naman si Christian kay Jesse. Pero bago sila umalis ay nilingon muna nila ako.

"Hintayin mo nalang kami rito." Ani Jesse at napatango nalang ako. Bumaling ako ng tingin kay Christian. "Please Charm sundan mo siya." Anito at ngumiti ako sa kanya. "Ako ng bahala kay Rain." Sabi at napatango nalang siya at tuluyang tumalikod.

Naaawa ako kay Christian, ngayon palang niya nakikita si Rain, pero panibagong problema nanaman ang hinaharap nila.

Mga pagsubok na alam kung kaya nilang lagpasan.

===

Hinanap ko si Rain, gaya ng pakiusap sa akin ni Chris. Kahit napaka dilim ng paligid tinuloy ko ang paghahanap, tinangal ko ang sandals ko at hinawakan ito habang papalapit sa kanya. Dahil sa kulay ng gown ni Rain madali ko siyang nakita kahit na madilim. Pero laking gulat ko ng may kasama pala ito.

"Kuya salamat ha." Dinig kung sabi niya.

"Basta para sayo" sabi ng kasama niya at mejo ginulo ang buhok nito.

Hindi nila napansin ang pagdating ko.

"Ayos ka na ba?" Biglang singit ko sa pag uusap nila at mukang nabigla ang dalawa sa pagdating ko, at napalingon sila sa akin.

"Charm?" Gulat na tanong ng lalaking kasama niya.

Napangiti nalang ako ng nakita ko ang muka ng lalaki.

"Ang laki na nang pinagbago mo, ninyung dalawa" aniya at tumingin kay Rain at ngumiti lang ito kay Kuya Justine.

"Loko ka Kuya matagal na kaming maganda no. Tska by the way long time no see kuya Justine" nakangiting sabi ko.

"Oo nga eh, tska Himala andito ka." May pang asar sa tono ng boses niya.

"Wow ha? Ikaw lang ba ang pwede dito?" Taas kilay kung tanong ^_~

"Sabi ko nga hindi, ang sunget mo pa din parehong pareho kayo." Aba nag pout pa..

"F.Y.I miss mo lang si Ate Livie" pagkakasabi ko nun maslalo siyang nag pout. Hatakin ko kayang nguso nito?. What do you think guys?. "Nga pala kuya pwede mo ba muna kaming iwan ni Rain?" Tanong ko sa kanya.

At tumango naman siya. Mukang nagets naman ni Kuya Justine, ang gusto kung sabihin.

"Sige maiwan ko muna kayung dalawa" aniya at tumayo na at pinagpag ang kanyang pants.

Tumango ako at ganun din si Rain.

Umupo ako sa tabi niya. Wala na akung pakialam kung buhanginan pa ito. Gusto ko siyang makausap para maliwanagan. Dahil maging ako nalilito sa mga nangyayari sa buhay ng mga nasa maligid ko. Masyado ng naging kumplekado ang lahat mula ng makalala at makasalamuha ang mga taong ito.

Kahit hindi kami ganung katagal na nagkasama ni Rain, hindi pa rin ninyo maaalis sa akin ang mag alala. Lalonat naging mabuti siya sa akin ng mga panahong magkakasama kami.

At syempre nag aalala rin ako sa kambal. Mahalaga sila sa akin dahil mga kaibigan ko sila at ayokong nakikitang nasasaktan sila. At isa pa may na aamoy akung hindi maganda sa pagdating ng kakambal ni Rain na si Lorie. At kumukolo ang dugo ko sa babaeng yun.

Sana sa pag uusap namin ni Rain malaman ko ang buong katotohanan. At maliwanagan ang aking isipan.

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon