A/N: I Dedicated this Part to @make_covers siya ang gumawa ng lahat ng Covers ng Stories ko dito sa Wattpad and my New DP so thank you very much :))
===
Nagulat??
Oo yan ang naramdaman ko ng bigla akung niyakap ng kapatid ko. Sino bang hindi magugulat sa ginawa niya, diba galit siya sa akin? pero bigla siya tumakbo para yakapin ako at humingi ng tawad.
Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, malamang naiyak din ako gaya niya. Ang saya sa pakiramdam na pagkatapos ng ilang taon ay nagkaayos na rin kaming dalawa.
Siguro ay kinausap siya ng Kambal at dun ay naliwanagan na siya. Ang tagal kung inantay ang pagkakataong ito na magkaayos kami, at ito nga yun.
Hindi lang ako ang masaya ngayon kung hindi ay lahat kami.
Ayos na ang lahat, makakapag umpisa na ulit kami ng panibagung samahan.
Samahan na alam kung wala ng makakabuwag, dahil sa paglipas ng mga araw ay lalo pa kaming tatatag at titibay. Dahil yun ang nararapat..
"Happy?"
Napatingin ako sa katabi ko.
"Very much" nakangiting sabi ko.
Masaya din ako na kasama ko na siya. Wala na akung ibang mahihiling pa.
"Namiss ko ang mga ngiting yan Rain." Nakangiting sabi niya.
"Me too Chris, i miss your sweet smile" sagot ko.
Sabi ko nga, sa mga ngiting yan ako nahulog sa kanya. Dahil sa ngiting yan, dun ko siya unang minahal.
"Ayos na ang lahat, may panibagong panimula na ang masayang samahan ng barkada." Aniya habang nakatingin sa daan. Siya kasi ang driver at ako naman dito sa tabi niya. Habang ang iba ay tulog, magkatabi si Jess at Lorie. Habang si Kuya Justine at Charm ang magkatabi at katatapos lang din nilang mag away. At dahil siguro napagod sila sa kanina pang pagtatalo ayan nakatulog na din.
"Tama ka jan, at mukang may bagung panimula sa dalawang yun." Sabi ko.
"Ha??" Takang tanong ni Chris.
"Ayun oh" turo ko sa dalawang tulog sa likod. Nakapatong kasi yung ulo ni Lorie sa balikat ni Jesse at nakaakbay naman ang kamay ni Jess kay Lorie. Ang cute nilang tignan.
"Teka kailan pa naging close ang dalawang yan?" Natatawang tanong ni Chris.
"Aba malay ko, hahaha the more you hate the more you love ata yang dalawang yan eh." Natatawang sabi ko.
"Pero bagay sila." Ani Chris
"Oo naman ganda kaya ng kapatid ko." Sabi ko.
"Ay wait kukuhanan ko sila ng picture" sabi ko at kinuha yung phone ko sa bag at kinuhanan sila ng pictures.
"Wah grabe bagay talaga sila." Kinikilig kung sabi.
"Parang tayo din yan, bagay na bagay." Singit ni Chris. Ewan ko pero namula ata ng husto ang pisngi ko.
Ngayon ko lang ulit siyang naringig na magbitaw ng mga ganyang salita.
"Ang pula ng muka mo Rain, may sakit ka ba?" Aniya at hinawakan ang noo ko. "Pero bakit ganun?? Hindi ka naman mainit" aniya.
"Hmm wala ito Chris" sagot ko.
Wah ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito, yung ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
Pero kahit ganun napakasarap sa pakiramdam.
====
SOMEONE'S POV
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...