A/N: Yung mga na P'PM sakin sa FB kung pano ko nakilala ang kambal, hindi po yun inaasahan na open ko po yung Twitter nila. Ewan ko kung ano nangyari yun siguro yun yung tinatawag na DESTINY na makilala ko sila hehehe pero seryoso hindi ako nagsisisi na makilala sila. Dahil alam nilang makisamasa sa mga FANS nila like me. Yung 1st tweet ko sakanila finav. Nila kaya natuwa ako at pinagpatuloy ko ang pag support sa kanila, at naisipang isulat itong story nato para sakanila. One day before ko sila makilala sinulat ko na to. November 28, 2014 ko sila nakilala then sinulat ko ito ng November 29, 2014. Yan guys alam ninyo na. :)
PS: Maraming pasikat palang pero snob na hindi gaya nila. Tweet ninyo sila malalaman ninyo ang sinasabi ko :)
Back to the story na po tayo..
Enjoy Reading...
===
JUSTINE'S POV
Kung pwede lang sanang sigawan ng sigawan tung babaeng to kanina ko pa ginawa. Pero hindi ko kaya, kahit anung gawin ko di ko siya kayang sigawan. Kasalanan ko kung bakit ganyan nalang ang galit niya sa akin. Kaya heto ako ngayon pinipilit siyang intindihin.
Tanaw dito mula sa amin sila Christian at Rain mukang nagkakaayos na sila hindi gaya samin ni Livie, Walang umiimik.
"Livie kailan mo ba ko mapapatawad?" Pagputol ko sa katahimikan.
"Hindi ko alam." Aniya pero hindi nakatingin sa akin.
"Ang hirap naman ng ganito Livie, umuwi ako para mag kaayos tayo. Pero ano to? Ayaw mo naman akung kausapin ng matino." Halos mainis na ako, pero pinipigilan ko parin maging ang pag sigaw.
"Wala akung sinabing umuwi ka." Pambabaliwala niya sa sinabi ko.
"Livie, alam mo ba nung nalaman kung umuwi ka galing France hindi ako nagdalawang isip na umuwi rin para magkaayos tayo." Oo nung umalis ako papuntang korea at 6 months pagkatapos kung umalis, ay umalis din siya papuntang France. At nawalang ng balita sa kanya pero ng nalaman kung umuwi siya. Hindi na ko nagdalawang isip na umuwi para sa kanya.
"Wala akung paki alam" pagmamatigas niya.
"Wala kang paki alam, pero ako meron hindi ko gustong masaktan ka. "
"Pero sinaktan mo ko." Pasigaw niyang sabi. Buti nalang at walang nakakarinig sa amin rito.
"Hindi ko sinasadya Livie."
"Ganyan ka naman eh, lahat hindi mo sinasadya. Nung umalis ka ang sakit dito." Tinuro niya ang puso niya "Pero ang tanga ko, sa mga panahong inantay kita dahil sabi mo babalik ka. Pero Sht lang Justine nabalitaan ko may iba ka na. Gano kasakit yun ha." Kitang kita sa mga mata niya yung sakit. Pero pinipigilan niya ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"Alam ko nasaktan kita. At pinagsisisihan ko yun."
"Mahirap magtiwala ulit Justine at alam mo yun. At isa ako sa mahirap magtiwala ulit lalo na kung nasaktan ka ng taong pinagkatiwalaan mo ng husto." Aniya at tumalikod na ito sa akin. Pero hinigit ko ang kamay niya.
"Ibabalik ko ang tiwalang nasira ko Livie. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon ipakita yun sayo. Hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko noon at ngayon." Sabi ko at binitawan ang kamay niya.
Pinanuod ko lang siyang umalis at mawala sa aking paningin.
Isa lang ang masasabi ko sa kanya. Isa siyang matatag na babae, hindi pinapakita sa iba ang kahinaan niya. Hindi gaya dati napakaiyakin niya pero ngayon wala akung nakitang maski isang patak ng luha sa mga mata niya.
Miss ko na ang dating Livie. Kung hindi lang ako tanga sana hindi nangyari ito.
===
CHRISTIAN'S POV
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...