LORIE'S POV
Habang naglalaro kami kanina. Bakit ganun nalang ang nararamdaman ko?. Pakiramdam ko sampid ako sa grupong nasamahan ko. Pero kung tutuusin, oo nga sampid lang ako. Dun ko nakita yung samahan na never ko pang naranasan. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nainis kay Jesse eh, kung hindi ay nainis ako sa sarili ko.
Aaminin ko naiinggit ako sa samahan nila. Ako kasi yung taong never nagkaroon ng kaibigan.
Forever lonely nalang ba ako?.
Wala na bang tatangap sa akin?.
O kailangan ko nang tanggapin ang lahat na wala talagang magmamahal sa akin?.
Si Rain, madaming nagmamahal sa kanya. Samantalang ako wala. Hanggang kailan ba ako manlilimos ng pagmamahal ng iba?. Hindi naman talaga ako ganito, hindi masama ang ugali ko. Pero sa tuwing nakikita ko siyang masaya naiinggit ako, dahil iniisip ko, sana ako rin.
"Himala umiiyak ka"
"Wahhh" sa sobrang gulat ko bigla akung napatalon sa kinauupuan ko.
At
"Blagggg"
"Aray ko." Reklamo niya.
Dahil nga sa sinalo niya ako mula sa pagkakalaglag sa pagkakaupo.
Napahiga siya mula sa buhanginan. Buti nalang at hindi ganung mabato sa nabagsakan namin.
Napatingin ako sa mga mata niya. Bakit ngayon ko lang to napansin, napakaganda ng mga mata niya. Dahil siguro sa parati ko siyang inaaway kaya hindi ko ito napapansin.
Pero teka bakit biglang lumakas ang kabog ng puso ko?.
Anung ibig sabihin nito?.
"Baka gusto mo nang tumayo." Aniya.
Nabalik nalang ako sa ulirat ng bigla siyang nagsalita.
"Ay sorry." Sabi ko at biglang tumayo. Napahawak nalang ako sa aking dibdib. Parang bang may dalawang kabayong naghahabulan dito, at para bang hindi ako makahinga sa sobrang lakas at bilis ng pagkabog nito.
"Hindi mo ba ko tutulungang tumayo." Aniya, mejo nahihirapan kasi siyang tumayo.
"Ito na." Sagot ko.
Pinipilit kung pakalmahin ang sarili ko.
Pero nang mahawakan ko na ang kanyang kamay, parang nakaramdam ako ng kuryente mula sa kamay niya. Ano bang nangyayari?. At ano ba tung wired feelings na nararamdaman ko?.
"Sorry ulit" nakayukong sabi ko.
"Himala dalawang beses ka atang humingi ng sorry ngayon." May pang asar sa tono ng boses ninya, pero bakit di ko magawang magalit ngayon?.
"Wala ako sa mood, para makipag asaran sayo Jesse" sagot ko at umupo sa buhanginan.
Mabuti nalang nagawa kung pakalmahin ang sarili ko.
"Bakit ka ba umiiyak kanina?." Tanong niya at tumabi sa akin.
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong niya. Tumingin lang ako sa tubig na kumikislap kislap, dahil sa sinag ng buwan.
"May napagtanto lang naman ako" sagot ko.
"Himala mag oopen up ka ba sa akin?" Natatawang tanong niya.
"Dipende kung makikinig ka." sagot ko.
"Teka lasing ka ba?" Takang tanong niya.
"Kung ano ang nakikita mo." Tumingin ako saglit sa kanya at ibinalik ang tingin sa dagat. "nakainum lang ako pero hindi ako lasing."
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...