JESSE'S POV
Ito na ang araw na nakalagay sa Invitation.
Ang araw ng katotohanan, ang araw ng mga sagot sa katanungan ng lahat.
"Di ka pa ba mag aayos?" Napatingin ako sa nagsalita.
"Later mom." Tipid kung sagot.
"binata na kayo ni Christian" napatango nalang ako sa sinabi ni Mommy. "At malapit na kayong mawalay sa amin ng Daddy ninyo." Aniya at umupo sa tabi ko.
"Mom matagal pa po yun." Sabi ko at tumingin sa kanya. Pero ngumiwi siya.
Napakunot ang noo ko sa pag ngiwi niya. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya, pero imbes na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya. "Malalaman din ninyo ni Christian mamaya."
Mas lalo akung nagtaka sa sinabi ng aking ina. Ano bang ibig niyang sabihin? Masyado siyang malihim. Hindi narin ako nag abalang tanungin pa siya bagkos ay nginitian ko nalang si Mommy.
"Sige po mag bibihis lang ako" sabi ko at aakmang tatayo na pero hinawakan ni Mom ang kamay ko. "Alalayan mo si Christian mamaya okay?" Ani Mom.
"Para po san?" Takang tanong ko.
"Basta malalaman din niyo, ops pati pala ikaw sana wag kang mabibigla"
Wala na bakit ba panay nalang katanungan ang nasa utak ko ngayon? Siguro nga ang party na ito ang matinung kasagutan na mga katanungan ko.
===
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mommy kanina ay umalis na ako para mag bihis.
Ayoko na ring makipag usap kay Mommy, Feeling ko talaga may tinatago sila sa amin ni Christian.
Hindi na rin kami nakapag paalam ni Christian nung umalis kami, dahil wala naman na sila pag labas namin ng kwarto. Hindi rin naman kami nakapa usap ng kakambal ko dahil ang lalim nanaman ng iniisip nito. Malamang sa malamang ay kinakabahan ito, kung tutuosin maging ako kinakabahan.
Mejo magdidilim narin ng makarating kami dito sa venue. Mejo malayo ito. Isa palang beach resort ang pagrarausan ng party. Napakaganda ng lugar napaka peaceful nito. Magaling ang pumili ng lugay, wala akung masabi napaka ganda nito at mukang private resort ito. Dahil mga bisita lang sa party ang narito. Elegante ang lahat ng mga narito base sa mga suot nila. May ibang pamilyar ang muka sa akin at yung iba ay hindi.
Mukang nagiging mapag masid na ko dito dahil sobrang boring. Wala rin akung makausap ng matino dito, si Christian tahimik lang dito sa tabi ko at hindi pa nag uumpisa ang party.
"Ang gwapo natin ha" napatingin ako sa bagong dating sa tabi ko.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Matagal na ngayon mo lang ba alam?" Sabi ko pero napakunot naman ang kanyang noo niya.
"Ang taas talaga ng kompiyansa mo sa sarili no?" Aniya at tumabi sa akin.
"Hindi naman ako ang nagsabing gwapo ako eh." Nakangitin sabi ko.
"Ai ewan ko sayo Jesse" aniya at umupo sa tabi ko.
Napatingin siya sa katabi ko.
"Hoy Christian are you okay?" Tanong niya.
Tumango ito at simpleng ngumiti. "Oo naman ako pa."
"Sabagay" ani charm at nagkibit balikat nalang.
Maganda si Charm sa damit niya ngayon, napaka elegante ng yellow gown niya. Tamang tama sa kulay ng balat niya maputi at mejo singkit, chinita kung baga.
"Good evening ladies and gentleman welcome to all of you."
Napatingin kaming lahat sa stage ng nagsalita ang emcee.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Genç KurguAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...