JESSE'S POV
Narito kami sa University ngayon, nag aayos ng requirements para sa graduation. Ilang araw nalang magtatapos na kami ni Christian.
Pero itong kasama ko wala nanaman sa sarili.
"Ano ba talagang problema?" Takang tanong ko. Lately kasi nagiging tahimik siya, mula ng nanggaling kami sa mall ganyan na siya.
"Parang nakita ko siya"
"Ha? Sino?" Takang tanong ko.
"Si Rain" aniya ng nakatingin sa kawalan.
"Saan mo siya nakita?"
"Sa mall"
Mall? Kaya ba siya nagiging lutang.
"Pano mo siya makikita sa mall eh asa ibang bansa yung tao"
"Hindi ako maaaring magkamali siya yun." Bakas sa boses niya ang pagkaseryoso.
"Sige sabihin na nating siya yun pero bakit Hindi siya nagpakita sa atin?" Tanong ko.
"Ewan ko, at ang pinagtataka ko lang, tinawag ko ang pangalan niya pero ni hindi manlang siya lumingon." Aniya
"baka nagkamali ka lang, malay mo ibang tao pala yun."
Nakakapagtaka naman tung sinasabi ni Chris. Impossible namang magkaruon ng kamuka si Rain, kahawig pwede pa.
"Baka nga."
"Yan ang napapala sa kakaisip sa taong nasa malayo."
"Masisisi mo ba ko Jesse, na sa bawat araw at taon na lumipas siya parin ang hinihintay ko."
Oo halata naman eh.. gusto ko yang sabihin pero di ko magawa. Alam ko kasing hanggang ngayon nasasaktan parin siya sa pag alis ni Rain kahit hindi man niya ito ipakita. Kambal kami kaya alam ko yun, nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya.
"Alam ko, pero sana naman magawa mung mag enjoy. Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo."
"Salamat nalang." Aniya.
Miss ko na ang dating Christian. Bihira ko nalang makita ang mga ngiti sa labi ng kakambal ko.
Umuwi ka nga Rain...
===
Naglalakad ako ngayon dito sa lobby ng school. Balak ko na kasing umuwi wala rin namang ginagawa. At si Christian naman nauna kanina pa.
Habang naglalakad ako..
"Ano ba." Inis na sabi ng isang babae.
Napataas nalang ang kilay ko ng marinig ko ang boses niya.
"Tignan mo nga naman, pati ba naman rito sinusundan mo ko."
Tumingin siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay.
"Ikaw nanaman?" Inis na sabi niya.
Ngumisi lang ako sa kanya.
Teka parang may kamuka ang babaeng to.
"Excuse me?" Pagtataray niya.
"Sige dumaan kana"
"Hindi yun ang ibig kung sabihin." Pasigaw na sabi niya.
"Eh ano pala? Siguro tagahanga kita kaya mo ko sinusundan."
"Wow ang kapal mo rin ano." Halata sa boses niya ang pagkairita.
"Uy hindi ako makapal. Sadyang gwapo lang ako."
"Ang taas naman ng kumpiyansa mo sa sarili." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa."hindi ka naman gwapo" nakangising sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Roman pour AdolescentsAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...