MBFOME ♚ 3

163 11 0
                                    

Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.

A/N: nabasa ko lang po yan, share ko lang.

Nga po pala ang story na ito ay ginawa ko para sa #Perkinstwins.. Love na Love ko sila hindi kasi nila ako inisnob sa twitter.. at ang bait ng kambal na yan promise. ^_^ Mauubusan ka nga lang ng English hehehe..

---

Asar na asar talaga ako ng makita ko si Jess lalo na yung huling sinabi niya.

Hindi pa ba siya nag sasawa na inisin ako at pagtripan. Bata palang kami ganyan na siya, wala ata siyang balak lubayan ako.

"Girl, grabe ang haba talaga ng hair mo." Ani Nica.

Narito pa din kami sa mall, Nagiikot.

Nilingon ko siya"ha? Bakit naman?" Tanong ko.

"Lahat na ata ng kalalakihan dito napapalingon sayo."

"Ah ganun? Bayaan mo na tska hindi ka pa ba sanay maganda ako eh"

"Sabi ko nga" aniya.

"Tara libre mo ko ng ice cream" i said then hinatak ko na si Nica.

"Wow ha, nabubuhay ka nalang sa libre." Sarkastikong sabi niya

"Sino bang nag aya dito?" Tanong ko.

"Sabi ko nga" wala na siyang nagawa kung hindi ang ilibre ako.

At kung minamalas ka nga naman. Narito din sa ice cream parlor ang tatlo. Gusto ko sanang umatras pero mukang hindi napansin ni Nica na narito din ang mga taong gusto kung iwasan. Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok habang hila hila ako.

"N-nica" nauutal at mahina kung sabi.

"Oh bakit ba Rain? " aniya habang tumitingin ng oorderin sa counter, may menu kasi sa taas.

Hindi na ako nagsalita dahil magkakalapit lang kami. "Wala" yan nalang ang tanging sagot ko ng nakayuko.

"Anung gusto mo?" Aniya.

"Ikaw ng bahala basta may Chocolate and strawberry na kasama, alis muna ko para maghanap ng mauupuan natin"

"Ako daw bahala pero namili naman, oh siya go maghanap ka na" aniya with hand gesture pa.

Umalis na ako sa tabi ni Nica, pero nakita ng peripheral view ko na nakatingin sila sa akin.

May biglang humarang sa daraanan ko. "Hey piggy" aniya.

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon