Ako si Lorraine "Rain" De Leon. 16 years old, 4th year high school.
Mahirap tumawa kapag may problema ka. Mahirap matulog kapag may iniisip ka. Mahirap magtago para lang makaiwas ka. At higit sa lahat, mahirap humanap ng iba para lang makalimutan 'yong mahal mong talaga.
Bakit ba ang pag ibig napaka unfair? Bakit kailangan mo pang masaktan? Ang buhay ng pag ibig nga naman kahit anung gawin mo masasaktan ka pa rin kahit wala kang ginagawa.
Selos? Yan ang naramdanan ko kahapon. Ewan ko ba, mag best friend lang naman kami pero nasasaktan ako pag nakikita kung binabaliwala lang niya ako. Oo hindi niya alam na nasasaktan ako, manhid eh ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman di ba? Hindi ko hawak ang puso niya. Naiinis lang talaga ako ngayon sa kanya.
=FLASHBACK=
Nagstart na ang klase pero wala pa namang ginagawa at nagpapakilala lang sa harap. Dahil nga unang araw ng pasukan ngayon. Pagkatapos ng pagpapakilala umalis na yun teacher namin, at nagkakagulo na ang lahat.
Lumingon lingon ako para hanapin siya pero di mahagip ng mata ko. Kaya naisip kung lumabas. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nakangiti siya habang kausap ang isang babae. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko. Kaya napahawak ako dito at sumandal sa pinto. Hindi para pakinggan ang usapan nila pero para maitago ang sarili ko. At hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila.
"Nakakainis ka Chris you know i miss you" sabi ng babae, pero nagulat ako dahil ako lang ang tumatawag sa kanya ng Chris.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...