RAIN'S POV
Naging koplekado na ang lahat. Sa narinig ko at nakita ko nang araw na yun, parang nawalan ako ng kompyansa sa sarili. Sana pala sa limang taon na nawala ako, hindi nalang ako umalis. May mga nasaktan ako kahit hindi man nila sabihin ay nararamdaman ko yun.
Yung mga nalaman ko kay Charm nung araw ding yun hindi na maalis sa akin ang mga sinabi niya. Kung paano ko nabago ang buhay ni Chris. Nagbago siya ng dahil sa akin at hanggang ngayon patuloy ko pa rin siyang nasasaktan.
FLASHBACK
Habang nakaupo kami ni Charm sa buhanginan ay walang gustong bumasag ng katahimikan. Ang huni nang hangin at kaluskos lang ng alon ang maririnig.
Pero hindi nakatiis si Charm.
"Ano ba talagang nangyari at umalis ka? At pagbalik mo may kakambal ka na at mukang galit na galit siya sayo."
Observant talaga si Charm at expected ko nang itatanong niya ang mga bagay na to. Hindi ko rin magagawang magtago sa kanya dahil malalaman rin naman niya ang mga bagay na to.
Huminga ako ng malalim. "Umalis ako? Oo pero pinagsisisihan ko yun, umalis ako dahil sa natanggap kung tawag mula sa kanya."
"Kay Lorie?" Aninya.
Tumango ako bilang sagot. "Tumawag siya, at binigyan niya ako ng palaisipan."
"At ano naman yun?" Takang tanong niya.
"Na ang nakagisnan kung buhay ay malaking kasinungalingan lang. Kaya nung narinig ko yun tumawag ako agad kay Mommy at kung gusto ko nga daw malaman ang katotohanan, pumunta ako dun kung saan kami pinanganak ni Lorie."
"Kaya ka umalis, para malaman ang katotohanan?"
Bakas sa muka ni Charm ang pagtataka.
Tumango ako. "Umalis ako dahil dun, pero pinagsisihan ko kung bakit nagpunta pa ako dun. Sana di ko nalang nalaman ang lahat, dahil napaka sakit pala talaga malaman ang katotohanan." Pinipigilan kung umiyak.
"Ano ba ang mga nalaman mo?" Hinawakan ni Charm ang kamay ko na nakapatong sa mga tuhod ko. Napatingin ako sa kanya at sinubukang ngumiti.
"Nalaman ko na hindi lang ako nag iisa, dahil kambal nga kami ni Lorie" napalunok ako "ayos lang naman sakin na may kakambal ako natuwa ako nung una pero nang nalaman kung.."
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may tumulong luha sa aking pisngi.
"Ano ang nalaman mo?"
"Nalaman kung binalak pala nila akung patayin."
"Ano? Binalak ka nilang patayin?" Gulat niyang tanong.
"oo, dahil malas raw ang kambal yun ang paniniwala nang mga magulang ni Daddy"
Pinunasan ko ang luhang dumampi sa aking pisngi.
"Anung klase silang tao, and the worst lolo at lola mo pa sila."
"Tama ka kaya tinakas ako ni Mommy, dahil pangalawa ako at si Lorie ang panganay siya ang naiwan dun at ako ang inilayo. Kaya minsan lang kami magkita at never kung nakita si Daddy, dahil nahihiya siya sa akin." Huminga ako ng malalim "pero pagkatapos ng tatlong taon na pamamalagi ko dun natanggap din ako ng pamilya, pero bago yun madaming hirap muna ang dinanas ko sa kamay ng mga lolo at lola ko. Kaya nag papasalamat ako kila Mommy dahil hindi nila ako iniwan."
"Kung ganun natangap ka din nila?"
Tumango ako bilang sagot.
"Pero bakit yung kakambal mo mukang hindi ka tangap?"
"Hindi ko alam, mula ng dumating ako galit na siya sa akin, at kung anu anong pasakit ang binigay niya sa pag stay ko dun ng ilang taon."
"Eh tanggap ka na bakit siya hindi ka pa tanggap?"
"Madaming dahilan, pero hindi ko alam kung anu ano ang mga bagay na yun. Ang sabi ni kuya Justine naiinggit lang daw siya sa akin dahil pinapaburan nila ko."
"So alam ni Justine ang lahat ng to? Baka nga naiinggit ang bruhang yun."
"Oo alam niya, pero ayos lang tama naman siya nung sinabi niyang wala siya sa pusisyon para ipagtapat sa akin ang lahat. Tska isa pa siya lang ang naging kakampi ko ng mga panayong napaka down ko." Huminga ako "wala rin namang dapat kainggitan sa akin si Lorie eh pareho lang kami. Naiinggit nga ako sa kanya dahil nakasama niya ng matagal na panahon ang mga magulang namin."
"Eh bakit sabi ni Jesse walang balita sayo si Justine?. Kung sabagay."
"Dahil ayaw ni Kuya na pangunahan ako."
Tumango siya sa sagot ko.
"Kung alam lang ng kambal ang pinag daanan mo baka sumunod ang mga yun sayo." Aniya.
"Kaya nga hindi ako nagparamdam dahil alam ko gagawin talaga nila yun, at ayokong madamay sila sa problema ko lalo na si Chris."
"Alam mo si Christian nag iba mula ng umalis ka. Wala na siyang ibang kinakausap maliban sa mga kakilala niya. Bihira na siyang ngumiti at palaging malalim ang iniisip."
Napayuko ako sa sinabi niya.
"Kasalanan ko." Malungkot na tono ang pinakawalan ko.
"Oo kasalanan mo" napatingin ako sa kanya "dahil minahal ka niya ng sobra." Huminga siya ng malalim. "Ni minsan hindi ka naalis sa isip niya, kaya sa fiance thing na yan wala yan. Hindi ka niya ipagpapalit."
Mejo gumaan ang pakiramdam ko nang narinig ko ang sinabi niya.
"Ipaglaban ninyo ang nararamdaman niyo sa isa't isa. Dahil alam kung mahal mo rin siya."
Napatango at napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat Charm"
END FLASHBACKK
Nung una nabuhayan pa ako sa sinabi ni Charm na may pag asa pa kami ni Chris, pero sa nakita ko. Mukang wala na, na sumuko na siya. Nakita ng dalawang mata ko na magka akap sila. Parang sumikip ang dibdib ko. Akala ko hindi niya tatangapin at ipaglalaban niya ako pero hindi pala.
Susuko na ba ako?
O ipaglalaban ko ang ang aking nararamdaman??
At yun ang hindi ko pa alam sa mga oras na to.
" Rain narito sila Jesse and Christian" napatayo ako sa kama ng marinig ko ang sabi ni Mommy.
Anung ginagawa nila dito? Pagkatapos kasi ng mga nangyari hindi ko na sila nakausap pa.
Ako ba ang pakay nila o si Lorie?
Pero bakit ako tinawag ni Mommy??
Ako nga kaya talaga??
===
A/N: HAPPY NEW YEAR GUYS..
JANUARY 1,2015
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...