JESSE'S POV
"Gumisiiiinnnngggg kayooo" napamulat ako agad ng biglang may sumigaw..
Napatingin ako ng masa sa kanya. Ang aga aga may nambubulabog..
"An-" napatigil ako dahil may biglang suminget.
"Ano bang problema mo?" Matalim ang tingin na sabi ni Charm kay Justine.
"Kanina ko pa kayo ginigising, wala manlang magising sa inyo." Aniya.
"Hanep ka, alam mung madaling araw na ng makatulog ang lahat, tapos mambubulabog ka." Inis na sabi ni Charm.
"Aba sorry ha, tanghali na po kasi. Tska" napatingin siya sa pwesto namin.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
"Darating si Livie ngayon." Aniya.
"So?" Pagtataray ni Charm.
"Anung so ka jan, gusto niya tayo ang magsundo sa kanya." Anito.
"Wah talaga? Uuwi na si ate?" Tuwang tuwang tanong ni Rain.
"Ay lutang lang??" Pambabara ni Justine kay Rain.
"Pasensya naman, mejo nahihilo pa ko eh." Anito at nagkamot ng batok.
"Kung ganun magsi gayak na kayo." Utos ko sa kanila.
Napatango nalang ang lahat, maliban sa katabi ko.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Who's Livie?" Tanong niya.
Ay oo nga di pa pala niya kilala si Livie.
"Livie is our Friend" sagot ko.
"Ah okay, mamemeet ko ba siya?" Ani Lorie
"Oo naman, dun na tayo pupunta para sabay sabay na tayong umuwi." Sagot.
"Ah okay, but before of that Jesse, pwede bang gumawa ka ng paraan para makapag usap kami ni Christian." Anito.
Siguro ito na yung time para magkausap sila. Gusto siguro niyang magkaayos ayos na sila bago pa man makauwi.
"Sure" nakangiting sabi ko.
"Thank you" aniya ng nakangiti.
Bakit ba di maalis ang tingin ko sa kanya pag ngumingiti siya??
"Wala yun, di ba sabi ko sayo na tutulungan kita?"
Napatango siya sa sinabi ko.
"Pero natatakot ako, na baka hindi niya ako mapatawad sa lahat ng pinag gagagawa ko kay Rain dati." Nakatangong sabi niya.
"Wag kang nega, Lorie mapapatawad ka din nun. Tska di marunong magtanim ng sama ng loob yun, gaya ng kapatid mo." Sagot ko.
"Wag ngang nega, pero wag ding umasa" aniya. Huminga siya ng malalim "dahil pag nega ka hindi ka masasaktan, pero pag umasa ka mas lalo kang masasaktan." Aniya.
"Alam ko naman yang ibig mung sabihin, pero subukan mung sumugal. Dahil kung hindi ka susugal hindi mo malalaman kung ano ba ang kasagutan ng mga katanungan mo." Sagot ko.
Napatango nalang siya at ngumiti.
'"Hintayin mo nalang siya dito, at kakausapin ko muna si Christian"
Ito pala ang side niya, na hindi niya ipinapakita. Isang Lorie na duwag at mahina ang loob, pero nakakatuwang malaman na ang isang Lorie, na akala ko palaban dati ay hindi pala..
Tumayo na ako, para puntahan si Chris, nag aayos na ng gamit ang iba.
Kung tatanungin ninyo kung magkakatabi kami ay hindi. Nasa kama sila at asa sahig kami. May mga kumot naman na nakalatag kaya okay lang.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Roman pour AdolescentsAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...