MBFOME ♚ #29

42 2 0
                                    

JESSE'S POV

Nobody's perfect. Everyone makes mistakes. But some mistakes will teach you great lessons and make you a better person.

Lahat tayo may pagkakamali sa buhay, pero lahat ng yun may matututunan ka. At masmagiging matatag at makakaya lahat ng pagsubok nadarating. :))

Masaya? Oo

Problema? Siguro ngayon wala na.. pero ang problema hindi naman nawawala yan, pero kahit ganun magpasalamat tayo. Dahil lahat ng problemang dumarating ay may katumbas na kasiyahang dala.

Saya man o Lungkot ang dala ng problema, harapin mo ito ng buong puso. Dahil balang araw may kapalit din ang lahat ng ito. :))

Si tadhana ginulo man ang buhay namin, masasabi kung sinubok lang niya kung gano katibay ang bawat isa sa amin.

Madami muna siyang ginawa pero sa huli kami parin ang nanalo. Nakatayo pa din kami at matatag..

At nang dahil kay tadhana natagpuan ko ang babaeng masasabi kung sana siya ang the only one ko.

Ang babaeng magpapasaya at magbibigay ng kulay sa aking buhay.

At ang babaeng ito ay ang kasama ko ngayon. Ang babaeng nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa mga bituin.

Napakaganda ng langit. Napakaliwanag ng buwan at mga bituin.

"Thank you for making me special." Aniya.

Lihim akong napangiti sa sinabi niya.

"Because you're a special girl" sabi ko sa kanya.

"Siguro pinagtakbo talaga ng panahon na magkakilala tayo.." aniya habang nakatingin pa din sa mga bituin sa langit.

Nakaupo kami ngayon dito sa damuhan.. Narito pa din kami sa Tambayan at dito namin lahat balak magpalipas ng gabi.

"Siguro si tadhana na ang mismung gumawa ng paraan para magkakilala tayo. Ginamit lang niya sila Christian at Rain para magkatagpo ang mga landas natin." Sabi ko.

Nahagip nang paningin ko ang pagngiti niya. Kaya napangiti nalang din ako.

"Ang swerte ni Rain, na nakilala niya kayo mula pagkabata." Huminga siya ng malalim. "Alam mo never akung nakaranas ng ganung kasayang bagay. Ang magkaroon ng mga kaibigan na gaya ninyo." Malungkot na sabi niya.

"Alam mo.. di mo naman kailangang malungkot eh o maingit kay Rain.. kasi hindi pa naman huli ang lahat. Kaya mo pang gumawa ng mga alaalang masasaya kasama kami.. ang mga taong mahalaga sayo at ang taong mahal mo." Sagot ko.

"Kaya nga nagpapasalamat ako kay Rain eh.. Dahil kung hindi sa kanya hindi kita makikilala." Anito.

Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Sa mga panahon na nakikilala kita paunti unti at pagkasama kita. Nagiging buo ang araw ko, yung boring kung buhay nabigyan mo ng kulay." Ngumiti siya sa akin "at yung galit na nakatanim sa puso ko, ikaw ang nagpakawala ng lahat ng yun Jess. Siguro kung hindi ako naliwanagan sa mga sinabi mo noon, baka hanggang ngayon. Galit pa din ang nananalaytay sa damdamin ko." Aniya.

Hinawakan ko ang kamay niya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Kung sa tingin mo ikaw lang ang nagpapasalamat na nakilala mo ko, nagkakamali ka. Dahil maging ako nagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko." Nakangiti kung sabi. "Nung una palang kitang nakita iba na yung naramdaman ko.. at sa mga nangyari may napatunayan ako."

"Ano naman yun?" Nagtataka niyang tanong..

"Yun ay ang tumibok ng husto ang puso ko pagkasama kita at nakikita kang masaya... siguro masyado pang maaga para sabihin ko ito pero.." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit "Habang tumatagal nahuhulog ako sayo at maslalo pa kitang minamahal." Sabi ko at humiwalay sa pagkakaakap sa kanya.

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon