MBFOME ♚ 2

186 10 2
                                    


"I'm Sorry"

Kinabahan ako sa sinabi niya, para saan ba ang Sorry na yan?

Sorry kasi lalayuan na niya ako? O Sorry dahil nawawalan na siya ng oras sa akin? Hindi ko alam.

"Para saan?? Bakit ka nag Sosorry?" Tanong ko, pero kung minamalas ka nga naman, ang galing naman ng Musika na tumugtog ngayon.

"Lucky"

Do you hear me, I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy, I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

Huminga siya ng malalim "sorry kasi hindi ko alam, kung bakit feeling ko iniiwasan mo ako." Aniya at nakatingin siya sa aking mga mata. Iniwas kung makipag eye to eye contact sa kanya. Baka mabasa niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang tanga tanga ko naman kasi bakit ba ko nahulog sa kanya.

"Wala ka namang dapat ihingi sa akin ng sorry eh. Tska bakit naman kita iiwasan? Wala namang dahilan di ba?" Pinilit kung tumingin sa kanya at ngitian.

"Pero bakit parang iniiwasan mo ako?" Aniya. Huminga ako ng malalim.

"Akala mo lang yun Chris, hindi ko magagawang iwasan ang Best friend ko." Feeling ko iiyak na ko at tutulo ang luha ko ano mang sigundo mula ngayon. Pero pinipilit ko pa ring ngumiti. "Kung iiwasan man kita, hindi ako magpapakita sayo o magpaparamdam, pero heto ako nasa harap mo."

Ngumiti siya...

Sa mga ngiting yan ako nahulog sa kanya. Chris please wag ka ng ngumiti, nahihirapan lang ako. Feeling ko napakasinungaling ko na, dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Gusto kung sabihin na. OO CHRIS, INIIWASAN KITA. DAHIL PAG NAKIKITA KITA UNTI UNTI AKONG NAHUHULOG SAYO AT YUN ANG AYOKONG MANGYARI. AYOKO DING MAMIMILI KA BETWEEN ME AND YOUR GIRLFRIEND SO PLEASE CHRIS, WAG MONG GAWING MAHIRAP ITO PARA SA AKIN DAHIL ANG SAKIT SAKIT NA. Yan ang mga salitang kanina ko pa gustong bitawan pero hindi ko kaya.

Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Ooohh ooooh oooh oooh ooh ooh ooh ooh

Hinawakan niya ang mga kamay ko. At napatingin ako dun.

"I'm happy because you are my best friend" nakangiting sabi niya. "And i don't want to lose you." Ayos na sana eh pero alam kung hindi maganda ang patutunguhan ng usapang ito.

"Chris, may gusto ka bang sabihin?" Sa pagkakasabi ko sa kanya nun, nag iba ang aura niya.

"Rain, sana wag kang magagalit sa akin ha."

Ito na ba yun?

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss

I'll wait for you, I promise you, I will
Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon