MBFOME ♚ 17

90 10 2
                                    

RAIN'S POV

Ito ang araw na kinatatakot ko.

Ang araw na sobrang sakit na malaman na hanggang ngayon pala ay napaka laki parin ng parte ni Chris dito sa puso ko. Ang akala ko nawala na tung nararamdaman ko 5 years ago, pero mali pala. Pagkalabas ko palang sa Stage sila agad ni Jesse ang nakita ko.

Pano ko ipapaliwanag ang lahat pag sinabi na ni Lorie ang pinaka ayokong marinig? Alam ko na ginagawa ito ni Lorie dahil malaki ang galit niya sa akin.

Pero di ba dapat ako ang magalit dahil ako ang iniwan dito sa pinas ng 16 years, at siya ang kasama ng mga magulang namin sa ibang bansa? Na hindi ko alam na may kakambal ako at siya alam niya? Na nakasama niya ang mga magulang namin ng matagal na panahon, pero ako hindi. Masakit na malaman na pinaglihiman ka ng mga taong malalapit sayo. Na parang may kulang sa pagkatao ko, na kulang sa kalinga ng mga magulang. At ng umalis ako dito sa pinas at tska ko lang dun nalaman ang lahat.

Sa limang taon na yun never kami nagkasundo ni Lorie.  At mukang araw araw tumitindi ang galit niya sa akin. Hindi ko alam kung san siya humuhugot ng galit pero panay pag hihirap ang nadanas ko sa kanya. At ngayon ang taong napaka halaga sa akin ay aangkinin niya.

Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila o hindi, alam ko maraming tanong ang nag hihintay sa akin pag lumapit ako sa kanya, sa kanila.

Pero sobrang miss ko na sila hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa kanila..

Napaka lakit ng pinagbago nila naging pala ngiti si Jesse pero si Chris. Nag bago rin mula sa malayo tinatanaw ko siya mula kanina. Never ko pa siya nakitang ngumiti. Saya at lungkot ang nakikita ko sa kanya ngayon. I miss Chris very much.

Pagkatapos makipag batian sila Charm at Jesse ay umalis sila. Hindi ko alam kung san pupunta ang dalawang yun.

Napatingin ako kay Christian, bigla akung nakaramdam ng kaba.

"Hmmm, kamusta na?" Pag basag ko ng katahimikan.

"Lolokohin ko ang sarili ko at maging ikaw kung sasabihin kung ayos lang ako." Aniya ng nakatingin sa mga mata ko. Damang dama ko yung yung mga katagang sinabi niya.

"Alam ko naman yun Chris, sorry kasi nasaktan kita." Pinipilat kung wag tulo ang luha na nag aamba sa aking mga mata.

"Hindi mo ko nasaktan Rain, sabihin nalang natin na maraming katanungan na ikaw lang ang makakasagot dito sa isip ko" aniya.

Napatango ako sa sinabi niya at huminga ng malalim. "Handa na akung sagutin ang mga tanong mo Chris."

Kahit kinakabahan ako sige para sa kanya sasagot ako.

"Bakit ka umalis?"

"Umalis ako para malaman ang katotohanan" napatigil ako sa pagsasalita at huminga ng malalim. "Wala akung kaalam alam sa mga nagyayari sa paligid ko Chris." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. "Yung kumakapa ka kung sino ka ba talaga, kung hindi pa tumawag si Lorie at binigyan ako ng idea about pagkatao ko hindi ko pa malalaman." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kung ganun bago ka umalis pinuproblema mo na ito?" Aniya. Napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, sa amin ito?"

"Ayoko dahil pati kayo madadamay at isa pa wala pang kasiguraduhan ang lahat ng panahon na yun"

"Ikaw ba yung babae sa mall?" Aniya.

Tumango ako "oo ako nga, ako yung tinawag mo."

"Eh yung nakausap ni Jesse?"

"Hindi ako yun si Lorie ang nakausap ni Jesse."

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon