Lahat naman ng tao kayang magtiis. Ang tanong, hanggang kailan?
Yan ang tanong na mahirap sagutin. Hanggang kailan ka magtitiis? Hanggang kailan ka magpapakamanhid? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa nararamdaman mo? At hanggang kailan mo balak ipaglaban ang lahat? Para sa pag ibig na alam mung, hindi mo alam ang kasagutan.
Mahirap pero kailangan mung maghintay, kung ano ka ba talaga para sa kanya. Mahirap umasa lalo na kung alam mung malapit lang kayo sa isa't isa. Dahil pag umasa ka at nasaktan ka ikaw din ang talo.
Ito lang ang masasabi ko, ang love nakakapag hintay yan. Kusang dumarating at hindi hinahanap. Kaya mag hintay ka lang malay mo anjan lang pala siya sa tabi tabi, pero sa iba ka nakatingin.
---
⇨START OF THE STORY :)
===
"Omg ang Twins anjan naaaa"
"Wow they look so hot "
"I love you Jesse"
"I love you Christian"
"I love you Perkins Twins"
Yan lang naman ang naririnig ko ngayon, dito sa hallway ng school. Oo aaminin ko HOT, HANDSOME, TALENTED, SMART etc. Halos asakanila na ang lahat. Kaya nga pinagkakaguluhan sila dito sa school. At isa pa sanay na ko sa ingay at tilian ng mga babae o mapabakla pa, eh lahat ng yun Fans ng Kambal.
At ako? Eto nakamasid lang sa kanila. Ayoko kasing makipag siksikan sa mga Fans nila baka mamaya masugatan pa ko mabawasan pa ang kagandahan ko whahaha. Di yun Joke guys. Madaming naiingit sa akin dahil sa dinami rami ata ng babae dito ako pa ang naging BEST FRIEND ng isa sa kambal.
Wag na ninyong tanungin kung pano nangyari yun, dahil malalaman din ninyo SOON. :)
Pero kung BEST FRIEND ko ang isa, Mortal ENEMY ko naman ang isa. Ewan ko ba kung bakit inis na inis siya sa akin, baka feeling niya inaagaw ko ang kakambal niya.
Tsk pero kung gaano ang kinabait ng isa sa akin, yun naman ang kinasama ng ugali ng isa. Ganun ba talaga pag kambal magkaiba ng ugali?
Sayang Cute pa naman siya pero the hell siya ang pinakanakakainisan kung tao, na nakilala ko i swear. >_
"Uy Best friend long time no see" bungad sa akin ng aking bestfriend. Hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa pwesto ko. At pagtingin ko sa paligid, parang kakainin ako ng buhay ng mga matang nakapaligid sa amin. Maging ang Kakambal niya ang sama ng tingin sa akin. Kaya inirapan ko nga, akala niya ah.
"Hello, i miss you best friend" nakangiting sabi ko at niyakap siya. Almost 2 months din kaming hindi nagkita dahil bakasyon. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.
"I miss you too, by the way how's your vacation? " aniya. Habang naglalakad kami papuntang classroom magkakaklase kasi kami. How nice.
"Boring?" Patanong kung sagot. Natawa naman siya sa sagot ko at ginulo ang buhok ko. "Hahaha you know Rain" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nung bigla akung sumingit. "No i don't know Chris" natawa siya ng tuluyan. "Nakakatawa ka talaga Rain, pero napaka ganda mo ngayon." Natigilan ako sa sinabi niya. Feeling ko namula ang muka ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinabihan niya ako ng maganda ako pero ewan ko ba. Di ko maipaliwanag itong nararamdaman ko.
"Ngayon lang ba ko maganda?" Kunwaring nagtatampo.
"Syempre hindi no, noon pa man magaganda ka na." Aniya. Wow pwede bang kiligin? Grabe lang..
"Yah yah, ilang beses mo ng sinabi yan sakin, pero thank you." Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi.
"Stupid, hindi ka maganda, napaka panget mo." alam mo yung ang saya mo na pero sinira nanaman ng taong papansin ang mood mo? Take note first day ng klase at inuumpisahan nanaman niya akung galitin.
"Don't mind him" sabi ni Chris sabay akbay sa akin. Pasalamat ka Jess at andito ang kakambal mo kung hindi mapapatay talaga kita.
Hindi ko nalang pinansin si Jess alang alang kay Chris. Alam kasi ni Chris pag kami ang nag away ni Jess baka magkagulo lang. Ayaw din kasi niyang nakikitang nag aaway kami ng kapatid niya. Ang bait kasi masyado ni Chris eh kaya mahal na mahal ko yan. :) pero secret lang natin ha.
Ang hirap lang itago ng nararamdaman ko, lalo na at best friend ko siya. Ayoko namang masira ang friendship namin dahil sa gusto ko lang siya. Sinasanay ko ang sarili ko na wag tuluyang mahulog sa kanya, para hindi ako masaktan ng tuluyan. Alam kung importante ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Pero mukang hanggang dun nalang ang lahat..
Yun ang nakakalungkot pag nagmamahal ka. Hindi kayang suklian ng mahal mo ang pagmamahal mo sa kanya. Sabi sa isang movie BAKIT DI KA CRUSH NG CRUSH MO?? Pero ayos na din yun atleast alam kung anjan lang siya sa tabi ko. Sabi nga marunong kang makontento kung anung meron ka, kaya yun ang gagawin ko. Kahit sobrang hirap.
At sobrang sakit.
---
A/N: dapat magkahiwalay yung umpisa niya at start of the story, pero napag sama ko pagpasensiyahan na po ninyo di ko na maeedit ito mahirap na. Baka kasi masgulo pa ng tuluyan yun story.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Teen FictionAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...