JESSE'S POV
Graduate na kami ni Christian. Kahit papano hindi na kami magiging busy. Kaya na naming unahin ang mga dapat noon pa namin ginawa. Yun ay ienjoy ang buhay na kahit may problema na dumating kaya naming lagpasan habang magkasama kaming dalawa.
"Lahat ng tao may problema. Magagaling lang talaga magtago ng nararamdaman 'yung iba." Gaya ni Chris ayaw lang niyang ipahalata pero bilang kakambal niya damang dama kung may matindi siyang pinagdadaanan.. Nagmahal siya eh, at iba ang tama niya kay Rain. Kung tutuosin akala ko magiging sila na pero hindi pala. Umalis si Rain na walang matinung dahilan kung bakit niya talaga kami iniwan. Pero inintindi namin siya. Ang sa akin lang bumalik na siya dahil may naiwan siyang taong nag aantay sa pagbabalik niya.
Pero sabi nga "May tamang oras ang lahat. Ang kailangan lang natin ay mag hintay. At wag susuko sa mga bagay na alam mung kaya mung lagpasan. Dahil sa tamang panahon may kasagutan ang lahat ng katanungan sa ating isipan."
MARCH 18 na at dalawang araw nalang malalaman na namin ang kakahinatnat ng INVITATION na yun.
Andun yung kaba, at saya na aking nararamdaman. Kaba na baka may hindi magandang mangyari pero, may saya na baka makasama na ulit namin siya.
Sa mahabang panahon niyang nawala siya. Napakadaming nagbago, maging si Chris nagbago. Ang palangiti at masayahing Chris ay nagbago. At yun ang gusto ko ulit makita sa kanya. Nasasaktan ako pag nakikita kung nasasaktan siya, pero ano bang magagawa ko? Pinilit kung magbago para kahit papano mapangiti ko siya. Yung mga bagay na ayoko, ginagawa ko na para lang makita siyang ngumiti. Ganyan ko kamahal ang kakambal ko.
"Jesse salo." Natatingin ako sa nagsalita at may hinagis na kung ano man.
But it's to late...
"Aray ko naman, anung naisipan mo at hinagis mo yan?" Inis kung tanong.
Ihagis daw ba sa akin ung pinag balatan niya ng saging..
"Aray? Agad agad, tska pano ba naman kasi nakaharang ka jan sa basurahan" painusente niyang sabi.
Tinignan ko yung sinasabi niyang basurahan. Napakunot ang noo ko nung makitang walang pasurahan sa tabi ko.
"Asan ang basurahan jan? Baka gusto mung ipakain ko sayo yung hinagis mung balat ng saging" taas kilang kung sabi ^_~
"Hehe ito naman di na mabiro ito o pupulutin na." Aniya at tumayo para pulutin yung balat ng saging na hinagis niya. "Ano ba yang iniisip mo at napakatahimik mo ata?" Tanong niya habang papunta sa basurahan.
"Isang bagay na hindi mo maiintindihan" sabi ko at tumingin sa kawalan.
"Kung sasabihin mo baka sa kaling maiintindihan ko" aniya.
"Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dapat kung problemahin eh."
"Alam mo Jesse, matalino pero ang tanga mo pag dating sa ganitung bagay."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba ngayon lang ako nasabihan ng tanga sa tanan ng buhay ko.
Huminga siya ng malalim. "Dahil hindi mo kayang harapin ang problemang dumarating. Kung baga playing safe ka. Ayaw mung aminin na pati ikaw dawit sa problema ng kapatid mo." Napatingin ako kay Charm.
"Kailan ka pa nagka sense kausap?" Takang tanong ko sa kanya. Pero tinawanan lang niya ako.
"Hahaha pag ganyan ang mood mo may sense akung kausap pero pag abnoy mood ka sasabayan kita." Nakangiting sabi niya.
Ewan ko ba kung bakit ko kasama ang babaeng ito. Dahil siguro pareho kami ng ugali. Ay ewan.
"Pero Jesse seryoso, wag mung dibdibin ang problemang dumarating. Dahil hindi naman ibibigay ni God ang pagsubok na yan kung hindi ninyo kayang lagpasan" aniya. Napatango ako sa sinabi niya. Kung tutuusin tama siya.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Novela JuvenilAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...