MBFOME ♚ 4

128 12 0
                                    

Narito kami ngayon sa sasakyan ng magaling na nagsundo sa akin. At sino pa nga ba di ang magaling na si Jess.

Lunes na lunes sinisira niya ang araw ko.

"Bakit mo ba ko sinundo?" Inis kung tanong sa kanya.

"Dahil sa gusto ko?" Patanong niyang sagot. Kanina pa siya nakangiti ewan ko ba.

"Dahil gusto mung sirain ang araw ko."

Wala din akung mapapala kung maiinis ako ngayon sa kanya. Ayokong masira ang araw ko ng dahil sa kanya.

Napatingin siya sa akin, kaya napatingin din ako sa kanya at nakita kung nag iba ang emosyon ng muka niya. Naging seryoso ito.

"Yan nalang ba ang akala mo sa akin, na pag nilalapitan kita ay para sirain ang araw mo?" Aniya. Base sa tono ng boses niya ay parang napaka lungkot nito.

"Bakit hindi ba?" Taas kilay kung tanong.

"Ewan ko kung bakit ganyan nalang ang galit mo sa akin." Aniya at ibinalik ang tingin sa daan.

"Jess nagtaka ka pa kung bakit ako galit na galit sayo, seriously Jess bata palang tayo ayoko na sayo." Inis kung sagot.

"Tama nga ako! Sobra sobra ang galit mo sa akin. Nakakainggit tuloy si Christian." Huminga siya ng malalim " masama bang asarin ka para ako naman ang makita mo? Na hindi nalang ang kambal ko?" Aniya.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ako sanay sa ganitong usapan kasama siya. Nasanay ako na sinisigawan ko siya at aasarin niya ako. Hindi yung ganito sobrang seryoso ng usapan na to.

"Alam mo ba Rain, ang hirap palang manlimos ng atinseyon mo" at ngumiti siya ng mapait. "Bata palang tayo feeling ko inagaw na sa akin ang lahat, na ang palagi mung nakikita ay si Christian, hindi ba pwedeng ako naman.." aniya at tumingin ulit sa akin.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin." Hindi ako makatingin sa kanya. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Yung inis na nararamdaman ko kanina sa kanya ay napalitan ng awa.

"Rain hindi pa ba halata? Bata palang tayo gusto na kita." aniya. Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ako agad nakapag react at nakapagsalita sa sinabi niya.

Gusto niya ako mga bata palang kami?? What a joke...

"Anung pakulo nanaman yan ha Jess?" Inis kung tanong.. kung pinagtritripan man niya ako pwes hindi nakakatuwa.

Hininto niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng school. Hindi ko napansin narito na pala kami. At nagulat ako ng guluhin niya ang buhok niya. "Rain ano ba? Sa tingin mo ba pinagtritripan pa rin ba kita?" Inis na sabi niya. at pinalo niya ang manibela. "Rain, gusto kita noon pa. Kaya ginagawa ko ang lahat para mapansin mo lang ako. At alam ko rin na may gusto ka sa kambal ko kaya nagaka sakit para sa akin na nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kanya."

Napahawak ako sa dibdib ko. Alam niya na gusto ko si Chris. At matagal na niya akung gusto? Hindi, hindi totoo.. hindi pwede.

"Hindi, hindi pwede.." yan lang ang tanging nasabi ko.

"Hindi pwede? Bakit ganun ba talaga ako kasama ha? Na hindi mo ko kayang patawarin?" Inis na inis na siya "o talagang mahal mo lang ang kakambal ko kaya mo sinasabi yan?" Nakita kung may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Bakit ba nangyayari ito? Ang kambal niya ang gusto ko pero bakit nagtatapat siya sa akin ngayon?..

Hindi ako nagsalita bagkos ay may tumulong luha sa mga mata ko. "Sorry Jess, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Dahil mahal ko ang kapatid mo."

My Best friend or My Enemy?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon