LORIE'S POV
Nakakainis, ano bang ginagawa ko ngayon dito sa beach kasama sila Rain, Christian at Jesse?. At hindi lang pala sila andito rin si Justine at yung babae sa Party. Charm ata ang pangalan niya, pero wala akung pakialam. Hindi ko siya gusto, ang sama kasi kung makatingin. Nakakatakot, feeling ko ayaw niya sa akin. Pwes ayoko din sa kanya.
Narito kami ni Christian ngayon nakaupo sa cottages. Habang ang iba ay abalang nag aayos ng mga kakainin namin mamaya. Aba dapat lang na sila ang mag ayos ng mga yan. Nananahimik ako sa bahay ng biglang dumating ang magkapatid na Christian at Jesse. At ang gusto pa ng Jesse na to si Rain lang ang kasama, aba hindi ako papayag. Ginugulo niya ang mga plano ko, at hindi ko mapapahintulutan ang mga bagay na yun.
"Bat ka pa sumama?" Napatingin ako sa lalaking katabi ko.
Nginitian ko siya ng nakakaloko."hindi ka ba masaya na kasama ko darling?" Mapang akit na tono ang ginamit ko.
"Tigilan mo ko Lorie." Aniya at tumingin sa ibang deriksyon.
"Natatakot ka ba, na baka lunurin ko si Rain?" Nakangiting sabi ko. Napatingin naman siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Subukan mo."
I smirk "wag kang mag alala hindi ako gagawin yun. Basta ayusin mo ang pagpapangap mo."
Hindi na niya ako pinansin.
Good boy hahaha ayaw talaga niyang mapahamak ang pinakamamahal niyang si Rain.
Masyado bang nakakatakot ang taglay kung kagandahan?
"Hay sa wakas nakarating din" nalingon ako sa bagong dating. Narito na pala si Justine na nanguha ng maiinum namin para mamaya.
"Asan si Jesse?" Ani Christian habang nakatingin sa likod ni Justine.
"Bakit bro miss mo na ko agad?" Ani Jesse ng nakangiti.
"Sira"
"Hahaha nakakatawa ka talaga Chris" ani Jesse at binaba yung mga pagkaing hawak niya.
Mag gagabi narin kaya napagdesisyonan nila na dito na magpalipas ng gabi.
At ang nakakainis makakasama ko silang lahat sa isang gabi na ito. Kung bakit kasi hapon na kami nakarating sa beach resort na to.
Sa totoo lang hindi ito gaya ng beach resort na pinagganapan ng Birthday namin ni Rain. Ang mga cottages dito ay kubo pero maganda naman. May pwede kang tulugan at mejo maluwang din ito. Mejo ayos na rin, pero hindi ko matatangap na makasama sila sa isang gabi.
"Awww"
====
CHRISTIAN'S POV
Napalingon kaming lahat sa sumigaw.
Tatayo sana ako para lapitan siya pero naramdaman kung may humawak sa aking kamay.
"Stay" base sa tono ng boses niya ayaw talaga niya akung palapitin.
"Are you okay Rain?" Nag aalalang tanong ni Charm.
"Okay lang ako" ani Rain, pero bakas sa muka niya na hindi.
"Wait dumudugo yang kamay mo." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila Justine at Jesse.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Justine kay Rain.
"Nadulas lang yung Barbeque stick sa kamay ko." Ani Rain.
Hinablot ni Jesse ang kamay ni Rain. "Next time kasi mag ingat ka. Matulis ang bareque stick" aniya at pinaluputan ng panyo ang kamay ni Rain.
BINABASA MO ANG
My Best friend or My Enemy?? (Completed)
Roman pour AdolescentsAng Best Friend pwedeng pangmatagalan. Ang Mortal Enemy mo maaari mung maging kaibigan. Akala ko pa naman ganun kadali nalang yun, pero hindi pala. Kung kailan naging maayos ang lahat tska masgumulo ang buhay naming tatlo nila Christian at Jesse sa...