JUNHOE
Sa wakas natapos narin 'tong live tv show ngayon. Sobra na kong napapagod. Simula kagabi wala pa kong tulog, nagrecord kasi ako ng album kong irerelease next week. Magkakaron ako ng mall show para dun at sigurado akong wala na naman akong pahinga.
Mahirap maging artista pero ginusto ko 'to eh. Wala na kong magagawa kundi gawin nalang yung mga kailangan kong gawin.
Kanina nagulat ako sa tanong sakin tungkol sa kung may naging ex girlfriend na ba ako at first love. Wala sa script na binigay sakin yung tanong na yun! Mabuti nalang at di nahalata sa gwapo kong mukha na nagulat ako sa tanong.
Nasabi kong wala akong past relationship dahil NGSB ako at never pa kong nainlove.
Bigla ko syang naalala..
Kamusta na kaya sya? Ganun parin kaya sya hanggang ngayon? Gumanda na kaya sya o ganun parin? Tumigil na kaya sya kakaselfie? Hindi narin ba sya gumagawa ng dance cover? May boyfriend na ba syang bago ngayon..
Tangina pumapasok na naman sa isip ko yung itsura nya habang umiiyak noong nakipagbreak ako sa kanya.
Hindi ko gustong gawin yun pero napressure ako. Kailangan kong mag-artista dahil nalugi ang family business namin. Kailangan ng pambayad ni daddy para mabawi yung company namin.Malaki ang unang talent fee na binigay sakin. Agad ko yun tinanggap dahil ayokong maghirap ang pamilya ko. I signed that freaking contract nang di ko nakita yung part na kailangang wala akong girlfriend dahil makakasira daw sa career yun.
Nung napirmahan ko yung contract, saka binasa ulit sakin ng manager ko yung nakasulat dun.
"Junhoe you have a dating ban so if ever you have someone, you better break her up kung ayaw mong mabreach yung contract mo."
Isa yun sa malaking katangahan na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang saktan at iwanan yung babaeng mahal na mahal ko.
I can still remember how she cried because of that. Hinding-hindi ko yun makakalimutan pero wala eh, napirmahan ko na yung contract at nabigay na yung first talent fee sakin kaya kailangang sundin ang nakasulat dun.
Wala na akong balita kay Jinny pagkatapos ko syang iwan. Masakit para sakin yun, sobrang sakit. Kaya ginugol ko oras ko sa pag-aartista, lahat ng ioffer sakin na project tinatanggap ko kahit na sobrang napapagod ako sa schedules. Kaya ang result, madali akong sumikat. Mas lalong nadagdagan ang offers sakin. Nalaman nilang may talent ako sa pagkanta kaya naman binigyan din ako ng chance na magkaron ng album.
Lahat ng tracks dun ako ang nagsulat pero tinulungan din ako ng mga music producers para mas lalong gumanda yung mga tracks na nandun.
Kung di dahil sa kanya, hindi ako sisikat ngayon.
"June, wala ka nang schedule today gusto mo na bang umuwi para makapagpahinga?" Tinignan ko ang manager ko saka tinanguan. I need enough sleep.
Pagkapasok ko sa condo ko nakapatay ang ilaw, bakit patay to eh lagi kong iniiwan na bukas to?! Pinasok ba ng magnanakaw tong condo ko? Pakshit baka nakita ng magnanakaw yung mga picture ko nung bata ako?! Hindi kaya yung photo album ko nga nung bata ako ang ninakaw nya? Masisira ang image ko kapag may ibang makakakita nun..
"Surprise!!!"
Biglang nagbukas yung ilaw.
May limang panget na nakatayo at may hawak na cake. Lumapit ako sa kanila. Mga tropa kong abno. Pinalibutan nila ako at nasa harap ko yung cake.
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일