022

226 5 0
                                    

JUNHOE

Ilang araw na kami dito sa Daegu! Dito kase yung set ng movie na project ko ngayon. Bored na bored na ko. Samahan pa ng kapartner mong kung lumingkis sayo kala mo linta! Yung manager ko lang kasama ko papunta dito kaya sobrang nakakabored. Ni hindi ko nga kaclose yung ibang casts e.

"Junhoe, labas tayo! May nakita akong park malapit lang dito sa set."

Tsk. Imbis na magpahinga, tignan mo nga naman ang trip ng babaeng 'to. Bakit ba kase eto pa yung kinuhang loveteam ko? Di ko naman alam na sobra pala kung makalingkis 'to. Kung una palang alam ko nang ganun ang ugali nya, sana pinigilan kong makipagsundo si ate sa manager nitong si Sunbin.

"Ikaw nalang mag-isa, tinatamad ako." Sagot ko sabay bawi ng kamay ko sa kanya. Makahawak ng kamay, di ko naman girlfriend!

"Hmm ang sungit mo na naman June. Parang kanina lang okay tayo ah? Nagseselos ka ba kase kinausap ako ni Jisoo?"

Kunot noo akong lumingon sa kanya. Anong sinasabi nya? Baka mamaya may chismosang staff na naman ang makarinig tas ipagkalat kung anong narinig sa kanya.

"Anong sinasabi mong nagseselos? Di ako nagseselos."

"Kung hindi ka nagseselos, sasamahan mo ko dun sa park."

Nagcling na naman sya sa braso ko. Aish! Ano ba namang buhay 'to! At nabiyayaan ako ng kaloveteam na sobrang clingy. No choice naman na kong sumama sa kanya. Pinagtitinginan narin kami ng mga staffs. Bat ba kase may break time pa, kung wala nun edi sana tuloy-tuloy ang taping. Nakakaasar!

"Sabi ko na nga sasamahan mo din ako eh."

"Ano ba Sunbin yung kamay mo."

Mariin kong sabi sabay sinubukang bawiin yung kamay kong hinawakan nya na. Yung holding hands ba ng couple. Ganun kase ginagawa nya. Naaalibadbaran ako! Pasmado kaya kamay, kadiri!

"Ikaw talaga June. Kunyari pang ayaw akong kaholding hands."

Totoong ayaw ko naman talaga. Sino bang gugustuhing makipagholding hands sa kamay na pasmado?! Aish. Hinayaan ko nalang syang humawak sa kamay ko pero nakasarado yun para di malock mga daliri namin.

"Dadating din naman tayo sa point na maghoholding hands tayo palagi, I know our love team would be just on cam but magiging totoo din in right time."

Inirapan ko lang sya. Bahala syang mapagod sa mga pinagsasabi nya. Purely nonsense. Never mangyayaring magkagusto ako sa kanya.

"June I want that ice cream.."

"Bumili ka."

"But wala akong money."

"Oh e di wag kang bumili. Ganun lang yon."

"You're so rude June."

Dapat lang. Sino ka ba para maging nice ako sayo?

"Bumalik na tayo sa set, wala rin akong dalang pera ngayon." Malamig kong sambit sa kanya. Sana naman maramdaman nyang seryoso na ko.

"Gawan mo ng paraan. Nagccrave talaga ako sa ice cream eh."

Puta. Hinila nya ko papunta dun sa nagtitinda ng ice cream, tangina iiwan ko 'to kung sakaling bumili sya ng ice cream! Parang isip bata. Sinabing wala nga akong perang dala makulit.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon