027

243 4 4
                                    

JINNY

8pm na nung natapos ituro samin ni Mr Daehwi yung dance steps para sa second verse ng Say you won't let go. Ang sabi nya maikli lang daw yun kaya may idadagdag pa raw kaming songs at ibang genre naman yung song but pair din ang sayaw.

Iniwan kaming dalawa ni Junhoe to polish our dances, maaga kaseng umalis si Mr Daehwi kaya no choice but to cooperate with Junhoe dahil hindi naman sya yung talagang kailangan matuto ng sobra dahil ako yung dapat. Hindi naman ako nahirapan sa pagsayaw, mas nahirapan nga yata ako sa skinship namin ni Junhoe. From holding hands to touching him and such. Doon ako nahirapan..

"Hindi ka pa uuwi?" Muntik na kong atakihin sa pagsulpot nya. Ano ba naman 'to.

"Hindi p-pa..hinihintay ko pa s—"

"Yung boyfriend mo? Di ka na susunduin nun. Maniwala ka dun. Panigurado may ibang babaeng kasama yun tas nakalimutan ka na sunduin." Anong pinagsasabi nya? Hindi porket sya ang kasama ko sa lintek na dance debut ko, ibig sabihin close na kami.

Inirapan ko sya saka bumaling sa ibang gawi. Nandito pa kase ako sa cafeteria. Bawal na kaseng tumambay sa practice room kung wala nang gagawin. Hindi ko rin alam kung bakit nandito pa si Junhoe.

"Anong oras na oh, di ka pa talaga uuwi?"

Kung ako ang tatanungin gusto ko narin talaga umuwi pero sayang kase yung pamasahe ko pauwi eh sabi ni Jongyeon susunduin nya daw ako. Kahit na may savings na ko since I started walking sa YG nagtitipid parin ako kahit papano.

"Hihintayin ko si Jongyeon. Bakit ikaw hindi ka pa umuuwi? Naghihintay ka din ba ng sundo mo?" Para kaming mga batang naghihintay ng sundo nila to be honest, nagtatanungan kung uuwi na since walang sundo na dumadating.

"Hindi. Pero malay mo diba hindi na talaga dumating yung boyfriend mo—"

"And so?" At saka sino nagsabing boyfriend ko si Jongyeon? Nakakatawa namang ganun sya mag-isip pero hindi ko rin sya masisisi dahil nagIloveyou ako kay Jongyeon sa phone kanina.

"Arte. Makaalis na nga."

Tumayo na sya sa pagkakaupo nya. Napatingin ako sa wall clock. 11pm. At tumingin muli ako sa kanya. Teka..hindi naman sya nag-ooffer na isasabay nya ko pauwi. Ano bang iniisip ko?

Binuksan ko yung phone ko para itry na tawagan si Jongyeon.

"The number you dial isn't available at the moment, please try your call later."

Aish. Lagot sakin yung lalakeng 'to. Sabi nya susunduin ako, baka nga talagang may kalandian yun ngayon at nakalimutan na susunduin ako.

Sinukbit ko na yung bag ko at sinuot yung face mask ko. Tumayo narin ako. Wala na kong mapapala kung hihintayin ko pa si Jongyeon. Uuwi nalang akong mag-isa.

"Saan ka ba naka-stay ngayon?"

"Bat mo tinatanong? Kala ko ba uuwi ka na? Bakit nandito ka parin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya, dumiretso na ko sa paglalakad papunta sa elevator, pipindutin ko na sana yung close the door pero bigla syang dumating. Aish.

"Meron ka ba ngayon? Tsk. Sungit eh."

"Pakialam mo?"

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon