045

213 2 0
                                    

JINNY

Ang aga-agang nambubulabog 'tong si Junhoe. Tamad akong naglakad papunta sa pinto para pagbuksan sya. Tawagan ba naman ako sa kalagitnaan ng tulog ko?! 3am palang naman para sa kaalaman nya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya't nambubulahaw sya.

"Baby anong oras palang oh. Anong gagawin mo dito?" Tanong ko sa kanya pero yakap lang ang nakuha kong sagot. Niyakap ko nalang din sya. Okay lang ba sya?

"Pwede bang dito nalang muna ako tumuloy baby? Ayoko sa unit ko. Namimiss kase kita eh." Malumanay nyang tanong sakin. Kung ako ang tatanungin, ayos lang talaga sakin pero maraming mata ang nagmamasid samin. Nakakatakot lang talaga sila.

"Osige. Halika na sa kwarto. Inaantok pa ko." Sabi ko sa kanya. Sinugurado kong nakalock yung pinto ng unit ko. Dinala ko na sya sa kwarto ko. "Goodnight Koo Junhoe. Dream of me hm?" I told him after planting a peck on his lips.

Kinaumagahan, nagising akong nasa bisig parin ni Junhoe. Nakayakap sya sakin na para bang ayaw nya ko makawala sa kanya. Napangiti ako ng titigan ko syang natutulog. Habang tumatagal mas lalo syang nagiging gwapo sa paningin ko. Alam nyo yun? Gwapo na naman sya noon pa, well except nung mga panahong jinombag sya ng tadhana pero basta! May something na yata sa mata ko na kapag nakikita ko si Junhoe mas lalo syang gumagwapo sa paningin ko each day.

"Nabusog ka na ba sa kakatitig sakin? Nakabisado mo na naman siguro ang wala nang mas ggwapo pang mukha ko." Hala gago?! Kanina pa ba sya gising? Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya. Ilang inch nalang magkakapalit na kami ng mukha!

"Gago sinong gwapo? W-wala kaya. Bitaw na June nagugutom na ako." Hindi nya parin niluluwagan yung yakap nya sakin. Wala ba syang planong bumangon man lang? Ang landi landi ke-aga aga palang!

"Hindi kita bibitawan. Sakin ka lang." Kinilig naman ako pero mukhang seryoso sya nung sinabi nya yun. Halata naman sa boses.

"I mean bitaw muna dito sa yakap. Mamaya kapag tapos nating kumain yakapin mo na ulit ako. Sige na June."

"Bakit ba nakakalimutan mong tawagin akong baby? Oh sinasadya mo talagang June lang ang itawag mo sakin?" Pucha. Bakit ang husky ng boses nya! Puta. Ang sarap...pakinggan.

"H-hindi ko sinasadya. Nasanay lang ako na June ang tawag s-sayo. Sige na b-baby bangon na tayo oh."

Nakaramdam na ko ng pagluwag ng yakap nya pero nagulat ako nung bigla syang pumaibabaw sakin. He's freaking kissing me! Sinasabi na may plano talaga sya eh. Ayokong suklian yung halik nya, di pa ko nagtotoothbrush!!! Pero kinginang malanding nilalang na 'to, nakagawa ng paraan para gumalaw narin ako. Napapikit ako nang makaramdam ako ng kakaibang feeling..na naman, everytime we kiss.

"Pwede bang ikaw nalang breakfast ko? Bat nga ba ako nagtatanong kung pwede ko naman na talagang gawin." Iba eh. Ibang Junhoe itong kaharap ko. He's Junhoe who's looking for his prey at ako yung prey nya.

Hindi na ako nakasagot sa tanong nya. Kung nung unang beses namin yun ginawa, magkataliwas ang isip at katawan ko. Ngayon pare-parehas ang gusto ng isip, katawan at puso ko. Bigla agad ako nakaramdam ng init nung bumaba ang paghalik nya sa leeg ko. Jusq po! Patawarin sana ako ni mommy kapag nalaman nyang ang baby girl nya gumagawa na ng baby! Wait— did I just said baby?!

"I love you Jinny. So much. Kung kinakailangan magbunga ang pagmamahalan natin, gagawin ko. Basta wag ka lang malayo sakin." Anong sinasabi ni Junhoe? Gusto nya na bang magkababy kami?!

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon