011

253 9 0
                                    

JINNY

Nakarating ako sa school by ridding also inside that car. Di man lang ako kinausap ni Nancy pano ba naman kase, dun sya sa passenger's seat nakaupo samantalang ako sa back seat. Hindi naman sa sweet sila pero third wheel ang labas ko kung titignan kami ng hindi namin kakilala.

"Nancy who's that guy?"

"Huh?"

"Sabi ko sino yung naghatid satin dito?"

"Childhood friend ko."

"Ahh."

Childhood friend pero tinawag syang princess tas yung reaction nya iba. Naghiwalay na kami ng way ni Nancy. Magkaiba kami ng building syempre, dahil lower year sya.

Nadatnan ko si Shannon na nakaupo na kaya nagmadali akong tumabi sa kanya. Wala naman kasing seating arrangement dito kaya first come, first seat basis.

"Bakit late ka bestie? Sayang nag-attendance lang kaya si ma'am."

"Oh? Tinanghali ako ng gising eh. Sayang naman."

Later on dumating narin ang professor namin. Akala ko attendance nalang din dito kay ma'am kaso hindi pala. Like the usual, magsusulat then activity ang ginawa namin sa second period. Unfortunately hindi ko na mapapasukan yung last two subjects dahil kailangan ako sa photoshoot.

"Sejeong, pwede mo ba kong i-excuse sa mga professors natin today?"

Nilapitan ko si Sejeong na nag-aayos ng gamit nya. Breaktime na kase, halos nakalabas narin mga classmates namin. Si Shannon hinihintay nalang din ako.

"Pwede naman kaso diba letter lang ginagawa ko para sa excuse? Dapat ikaw ang mag-abot sa kanila."

Malayo pa naman sa 4pm yung oras. Tingin ko kakayanin na ako yung magbigay ng letter sa kanila. Pumayag ako kaya sumama kami ni Shannon kay Sejeong sa computer lab ng school.

"Nagugutom ka na ba bes?"

Tanong ko kay Shannon na busy sa cellphone nya. Malamang kausap nito si Chanwoo. Alam ko na gawain nya kapag nakaganyan sya.

"Uh hindi pa naman. Sige take your time lang dyan."

"Okay sabi mo eh."

Lumapit naman ako ng konti kay Sejeong na nagttype ng excuse letter ngayon. Siguro ililibre ko nalang sya ng lunch para sa paggawa nya ng excuse letter ko.

"Ano yung reason mo kaya di ka makakapasok Jinny?"

"Uhm..ano may photoshoot kase ako. First photoshoot eh 4pm yun. Bawal ma-late."

Binalik ulit ni Sejeong ang paningin nya sa pc then nagtype sya ulit. Maya-maya tumayo narin sya and handed me two pieces of paper.

"Thanks! Tara na sa teacher's department then cafeteria."

Nag cling ako sa braso ni Sejeong, hindi ko naman kase magawa kay Shannon dahil nagcecellphone parin sya pero nakasunod naman sa paglalakad namin ni Sejeong. Buti nalang nasa department lang yung dalawa naming teachers at di na ko mahihirapan hanapin sila.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon