JUNHOE
Anong meron sa araw na 'to at parang pinagtatagpo kami ng tadhana? Kanina nung natamaan nya ko expected kong magagalit ako sa nakatama sakin pero nung narinig ko boses nya hindi na ko makapag-isip pa. Balak ko sana syang habulin pero nadumihan ng pagkain yung damit ko. Gusto kong pag humarap ako kanya, pogi parin ako! Kaya wala akong pinalagpas na oras, nagpunta agad ako sa dressing room para magbakasakaling may mahiram akong damit pamalit sa nadumihan kong damit. Hindi ako pwedeng humarap kay Jinny na ganito ang itsura.
"May we call out again, the star of this event, NONA6ON's brand ambassador, Jinny Park!"
Hindi ko inalis ang paningin ko sa stage. Gusto ko syang makita bawat minuto ng pagkilos nya. Gusto ko ulit subaybayan sya kagaya ng ginagawa ko noon.
Kung maganda na sya noon mas lalo pa syang gumanda ngayon. Ang laki na talaga ng pinagbago nya. Pakiramdam ko ako ulit si Junhoe na sa malayo lang nakatingin kay Jinny, humahanga sa lahat ng bagay na gagawin nya. Kami parin kaya kung hindi ako nag-artista? Siguro. Hindi ko kase makita sarili kong hindi kasama si Jinny dati. Pero nangyari na nangyari e. Dumating yung time na iiwan ko pala sya. Wala paring kupas, si Jinny parin talaga, walang iba. Lakas ng tama ko sa flat na 'to!
Para na kong tuod sa kinatatayuan ko. Gwapong tuod to be specific. Ni hindi ko na yata makuhang kumurap. Bakit ganun? Parang ang hirap nya na naman abutin.
"Of course, this party's still connected with her being our brand's ambassador. And because this party is for her, syempre hindi natin hahayaang matapos ang event na ito na hindi sya nakasmile."
Can I be the reason to make her smile?
Pshh ang korni pero gusto ko ulit sya mapangiti pero papano? Sinaktan ko na sya, makukuha ko pa kayang ibalik yung mga ngiti nya dati?"May we call on stage, Mr Song Yunhyeong!!!"
Kumunot noo ako sa pagkakarinig ko ng pangalan na yun. Nawala yung momentum ko! Ano na namang pagpapapansin ang gagawin nya?! Namumuro na sya ah!!! Napakuyom ako sa kamay ko. Pilit kong pinipigilan na manuntok. Ayokong sirain 'tong event na 'to dahil involved si Jinny.
Umakyat sa stage si Yunhyeong. Anong ginawa? Kumanta at nagpabebe. Sus! Kung alam lang nila, ginagamit nya lang si Jinny para mas lalo syang sumikat. Alam ko na galawan nila ng manager nya. Ayokong panoorin 'tong pagkanta ni Yunhyeong pero gusto kong makita si Jinny. Kaya tinuon ko ang atensyon ko sa stage kahit masakit sa mata dahil may ibang lalaki nang nakahawak sa kamay nya.
Natapos kumanta si Yunhyeong, hindi ako nagdalawang isip pumunta sa backstage para makiusap sa staff na kakanta rin ako para kay Jinny. Kinuha ko yung mic na inabot sakin, ready na ko. Bumalik yung isang staff na galing sa stage para sabihin kay Seungri na may isa pang kakanta at ako nga yun. Hinintay kong tawagin nya ko sa stage. Hindi uso sakin ang kabahan sa tuwing aakyat ng stage, gwapo ko kaya. Pero sa kada-step na ginagawa ko mas lalong lumalakas yung kalabog sa dibdib ko. Nakakabakla naman 'tong feeling na 'to! Hindi naman ako mag-aaudition pero grabeng kaba yata 'tong nararamdaman ko. Kung hindi lang para kay Jinny 'to eh..
Sa kanya lang ako nakatingin habang kumakanta. Para sa kanya naman talaga 'tong kanta na 'to. Sana marinig nya yung gusto kong sabihin sa kanya sa pamamagitan ng kantang 'to. Mabaho ba ko? Nabawasan ba kagwapuhan ko? No, never mangyayare yan pero bakit ayaw akong tignan ni Jinny!?
"They don't know about the things we do
They don't know about the "I love you"'s
But I bet you if they only knew
They would just be jealous of us,
They don't know about the up all nights
They don't know I've waited all my life
Just to find a love that feels this right
Baby they don't know about, they don't know about us"
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일