JINNY
"Bakit ang aga mo ngayon Jinny? Mamaya pa pasok mo ah."
Nadatnan ko sa kitchen si Nancy, mag-isang kumakain. Umalis na yata yung iba naming dorm mates.
"Bago na schedule ko. Charot! Sabayan na kita kumain. Kamusta school?"
Tanong ko kay Nancy habang naghahalo ako nitong ramyun kong breakfast. Ayokong kumain ng heavy meal, may photoshoot mamaya baka tumaba ako bigla tas hindi magkasya sakin yung mga damit na dadalhin ko.
"Okay lang naman. Nakakainis lang, pinag-lie low ako nila mommy na magpunta sa mga fanmeets ni Yunhyeong. Namimiss ko na tuloy ang prinsipe ko."
"Eh di sa mga fansite ka nalang nya humanap ng updates. I'm sure may updates naman sa kanya?"
"Ganun na nga lang ginagawa ko eh. Pero namimiss ko parin sya. But kahit na bawal akong magpunta sa fanmeets nya Jinny wag mo parin kalimutan na ikaw ang sasama sakin para hindi mapahamak si Yunhyeong from your ex.."
Kailangan talagang banggitin na ex ko yun? Hays.
"Oo na. Kumain ka nalang ng kumain dyan."
Nginitian ko nalang sya saka nagfocus sa pagkain ko. Baka biglang dumating si Marshall sa labas. Dapat ako ang mauuna na maghintay sa kanya.
"Jinny wait, sabay na tayo lumabas."
"No– hindi pwede. Uhm, I mean mauuna na ako. Late na yata ako eh! Sige bbye!"
Nagmadali akong lumabas sa dorm, saktong wala pa yung sasakyan ni Marshall. Tinext ko sya para sabihing nasa labas na ako. Baka kase lumabas si Nancy at makita pa kong may hinihintay eh sabi ko sa kanya late na ko. And I dont think makakapasok ako today. Overload yata ang schedule ko ngayon sa YG.
Kahit naman na magiging busy sa ako pagmomodel ko, kailangan ko parin mag-aral para kapag may exam kami kaya ko parin makahabol.
"Ah finally."
Hindi na lumabas si Marshall dahil alam kong sasakyan nya 'tong dumating. Gaya kahapon, tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating sa YG building.
"Marshall I brought some clothes na pwede kong gamitin sa photoshoot–"
"No need sweetie, they can provide."
But...may tatak naman 'tong mga damit ko. Ano bang tatak ng ipapasuot nila sakin?
"Dito ang dressing and make up room Jinny. Wait mo lang yung make up artist para maayusan ka na."
Hmm okay. Nilabas ko nalang ang phone ko, I texted Shannon na hindi ako makakapasok today. Akala ko pa naman pumasok sya! Sumama pala sa taping ni Chanwoo. Bantay sarado ang boyfriend nya sa kanya. Si Sejeong nalang ang tinext ko since sya president sa klase namin. Buti nalang walang important things na gagawin today sa school.
Iniwan ako ni Marshall dito sa dressing room! Ano na?! Wala akong kasama baka isipin nila outsider ako dito.
"Nandito na pala sya! I'm sorry Ms Jinny na-late ako ng dating. Ready ka na ba?"
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일