JINNY
Nadatnan ko pa si Nancy sa living room nung umuwi ako from hanging out with Seiyeon eonni. Busy yata sya sa assignment nya kaya nilagpasan ko nalang sya at dumiretso sa kwarto ko. Nalimutan kong burahin na tong make up na ginawa sakin, buti nalang wala yung land lady namin dahil paniguradong sisitahin ako sa make up ko ngayon. Ayaw nya kasing nagmmake up kami ng makapal dahil magaganda na raw kami!
Pagkatapos kong maghugas ng mukha para burahin ang make up, nagpalit narin ako ng pantulog. Minor shoot palang ang ginawa ko ngayon, paano pa kaya kung yung mismong may brand na akong imomodel? Nakarinig ako ng katok sa pinto habang nag-iimagine ako ng kung ano related sa shoots ko in the future.
"Sino yan?"
"Nancy.."
Pumihit na yung pinto saka pumasok si Nancy kahit di ko pa sinasabi. Namiss ko sya, in fairness naman!
"Tapos ka na sa assignment mo?"
"Yup. San ka galing? Di ka raw pumasok sabi ni Sejeong eonni."
Aish. Nagbilin naman ako sa kanya na hindi ako papasok. Bakit sinabi nya pa kay Nancy?
"Ah oo. Nagkita kayo?"
"Yup. Nagkasalubong kami sa mall. Bumili kase ako ng supplies for project."
"Is that so.."
Base sa pagtingin ni Nancy sakin ngayon, parang nag-oobserve sya sakin. Wag naman sana nya mapansin na may something akong ginawa kaya wala ako sa klase kanina.
"Sige na Jinny, balik na ko sa kwarto ko ah? You seemed tired eh. Matulog ka na. Goodnight!"
She hug me before going out of the room. Nakahinga ako ng maluwag! Buong akala ko magtatanong ulit sya gaya ng nakagawian nya. Para ko na talaga syang little sister kung ituring. 2 years ang age difference namin so para talagang 'lil sis ko sya. Kung sya ang lil sis ko, nakahanap naman ako ng big sister! Si Seiyeon eonni. Wala daw kasi syang kapatid na babae, dalawa lang silang magkapatid at lalaki pa yung isa kaya masaya sya na ihandle ako.
To: Shannon
Girl kamusta lakad nyo ni Chanwoo?Nakarating na ko't lahat dito sa dorm pero wala man lang text si Shannon. Mukha yatang inenjoy nya talaga yung date nila ni Chanwoo. I feel tired pero hindi pa ko inaantok. But I wish na dalawin na ako ng antok dahil gusto ko nang matulog but I dont feel sleepy at all. How's that.
From: Shannon
It was fine as always, yung shoot mo kamusta naman?Nireplyan ko sya kaagad. Almost 11pm na nung natanggap ko reply nya! Ngayon lang ba sya nakauwi?
Me: Ayun medyo nakakapagod pero masaya. Binigyan ako ng manager ni Marshall. Nakaclose ko naman agad, ang bait nya.
Shannon: That's great! Atleast diba kapag hectic ang schedule mo may tutulong sayo from stuffs.
Me: Yup! Kinakabahan ako sa result ng photos ko! I never saw it yet.
Shannon: Hahaha sabihin ko na ba sa mga friends ko na antabayanan nila yung site ng YGK+?
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일