036

185 4 6
                                    

[a/n: after say you never let go, meh yuh performance! play nyo rin, that's how junhoe and jinny dance here! haha]

JINNY

Sinalubong kami ng palakpakan pagkatapos naming sayawin lahat ng pinagpaguran namin ni Junhoe from the start. Sobrang saya sa feeling na ang daming tao yung nakaappreciate ng showcase namin. Hinarap ko si Junhoe, aabutin ko sana yung kamay nya para makapag-bow na kami ng tuluyan pero di nya man lang ako hinayaang gawin yun. Kaya nag-bow kami ng magkalayo sa isa't isa. Di ko talaga alam kung anong problema nya, buti nalang naperform namin ng maayos lahat without any mistakes.

Naglakad kami pabalik sa backstage pagkatapos. This is not the end but another start for my career. Finally makakapagsayaw na ko gaya ng pinangarap ko noon.

"Congrats Jinny! Congrats Junhoe! Ang galing galing nyooooo."

"Dope dance, congratz!"

"Grabe, kitang-kita yung feelings nyo sa isa't isa. Pwede na kayo maging love team! May chemistry!"

"Kyahhhhh JunNy for the win na 'to!!!"

Iilan lang yan sa mga sinasabi samin pagkabalik namin ng backstage. Masayang-masaya yung mga staffs behind this event.

"Jinny ija, you did a good job. Deserve mo talagang mabigyan ka ng spotlight for dancing." Kinamayan ko si Mr Yang pagkasabi nya nun.

"Thank you so much po Mr Yang for letting me show everyone my talent. Promise hindi ko po kayo bibiguin." Nagbow ako ng ilang ulit kay Mr Yang. Sa lahat ng mga taong nasa likod ng event na 'to, sa kanya ako talaga nagpapasalamat. He was the one who let me do this thing. Kung hindi nya ko pinagkatiwalaan dito, siguro wala ako ngayon.

"Jinnyyyyy! Gosh ang galing nyo! Nakakakilig grabe!" Sila Shannon naman yung lumapit sakin. Niyakap nila ko ni Nancy, Yoyo at Jongyeon. I'm so thankful to have these supportive friends.

"Thank you guys. Ano ba kayo, trabaho lang po." Hinanap ng mata ko kung nasan si Junhoe. Grabe hindi nya man lang ako sinamahan dito.

"Trabaho daw, sus!" Shannon added. Pinandilatan ko nalang sya, baka kase may makarinig ng panunukso nya.

Ayokong magkaron ng dating issue kay Junhoe ngayon. Panigurado magmumukha lang akong desperada lalo na ngayong hindi nya man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Oo nga trabaho lang yun ni Jinny babes. Ako lang partner nyan!" Pagmamalaki ni Jongyeon. Ang bilis nga naman ng kamay nya, di ko namalayang nakakapit sya sa braso ko.

"Ehem, bestfriend here. Ako kaya original partner ni Jinny. Diba?" Omg. How to calm. Si Yoyo sa left side then si Jongyeon sa right side. Ang haba ng hair ko!

"Later guys magparty pa tayo sa condo ah? Tayo-tayo. Ikaw Nancy pwede ka ba?"

"Ahh..hehhe." Sabi ko nga hindi parin sya pwede sa mga parties gaya ng gusto ko.

"Alam ko na, pero punta ka parin sa condo para dun tayo kumain ng dinner okay?" I insist. She went here to support me so kailangan kasama sya sa condo mamaya para kumain.

"Sige Jinny."

Nawala yung paglingkis ni Jongyeon at Yunhyeong sakin nung nakita nilang papalapit na si Seiyeon eonni. Hindi naman sa takot sila pero lagi kasi silang sinasaway kapag ganun sila sakin. Baka daw kasi mahati ako sa dalawa, sus, di nya lang alam nung nakaraan gusto narin akong hatiin sa dalawa ni Junhoe and Jongyeon.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon