052

149 1 0
                                    

JINNY

Umuwi muna ako pansamantala sa condo ko. Kasama ko naman si Seiyeon eonni kaya ayos lang. Madilim palang umalis na kami sa bahay nya. Kadalasan kasi may mga media kung saan-saan kaya dapat nag-iingat narin kami. Lalo na ako. I feel sorry about Mr Yang dahil sa mga issue ko. Hindi nya pa ako nakakausap personally pero kapag lumuwag luwag na sitwasyon ko, I'll make sure na makakabawi ako sa kanya.

Kakagising ko lang kaya nagfreak out ako nung nagring yung phone ko. Unknown number and mukhang hindi number dito sa Korea. Nagtataka naman ako kung sino 'to pero sinagot ko parin.

"Hi Jinny! Sorry kung phone call lang kaya kong ibigay sayo ngayon—" pinutol ko agad sya sa sinasabi nya.

"NANCY?! Yah! Bakit ibang number gamit mo? Nasan ka?"

"Sorry kung hindi ko rin nasabi sayo, lumipat na kami dito sa Australia ni mommy since daddy wants me to study here. Masyado ka kasing busy kaya hindi kita mareach out that time." I feel sad na hindi ko na sya makakasama dahil nasa ibang bansa na sya.

"No no its okay.. Ako nga ang dapat magsorry sayo dahil nakalimutan na kita. Sorry Nancy. Huhu namimiss na kita!"

"Kamusta ka na? Kahit na wala na ko dyan sa Korea may balita parin ako sayo. Jinny wag kang mapanghinaan ng loob huh? Marami kaming nagmamahal sayo. Kung ano man yang kinakaharap mong problems I'm sure maaayos mo rin yan. Cheer up, hindi bagay sa beauty mo na laging malungkot."

"Thank you Nancy ah. Kahit papano gumaan ang loob ko. I'll cheer up since you told me so."

"No biggie! I wish you the best, yan naman lagi kong gusto for you. By the way Jinny...hindi naman sa pag-aano pero totoo ba talagang you're pregnant?" Nagulat ako sa tanong nya. Pati pala sa Australia makakarating narin ang issue ko. Napangiti nalang ako at hinawakan yung baby bump ko.

"Yes Nancy. Its true." That's it, yun lang ang pwede kong sabihin sa kanya. Hindi ko kayang ipagmalaki na si Junhoe ang ama dahil we're not in a good situation.

"I see then, stay healthy Jinny ah? Dapat after 9 months makikita kita kasama yung family na mabubuo nyo ni Junhoe. Ingat lagi Jinny, love yah."

I hope so Nancy.

"Oh sino yung tumawag Jinny?" Sabay namang pagpasok ni Seiyeon eonni yung pag-end ko ng phone call. Ready na siguro yung breakfast.

"Si Nancy po. Nasa Australia na pala sya eonni. Nangamusta lang." Iniwan ko muna yung phone ko sa kwarto at sumama sa kanya sa kitchen.

"Kain ng kain Jinny ha. Kailangan paglabas ng baby mo kasing taba ni Chanwoo yan." Ay talaga si Chanwoo ang basehan ng pagiging mataba. Kung siguro naririnig nya 'to ngayon nakapout na yun!

"Salamat eonni ah. Sa totoo lang dapat pahinga ka rin sa trabaho mo sakin since wala naman akong project pero nandito ka parin para alagaan ako. Thank you ng sobra eonni, ang dami ko nang utang sayo."

"Ano ka ba, hindi mo lang naman ako manager. Diba nga sabi ko sayo noon para narin kitang kapatid. Gusto ko talaga magkaroon ng kapatid na babae kaya masaya ako na naaalagaan kita." Maswerte akong may Kim Seiyeon akong kasama ngayon, yes I got my bestfriends Shannon and Yunhyeong but mga artista sila may sarili silang buhay kaya hindi ko sila pwedeng tawagan kung kelan ko gusto. Mabuti nalang talaga mabait ang manager ko, si Seiyeon eonni na tumayong ate ko narin.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon