055

187 2 0
                                    

JINNY

Kung hindi siguro tinangay ni tita si Junhoe malamang dito na sya nagstay. Di naman malayo yung condo nya sakin pero di parin sya pinayagan ng mama nya. Natatawa nga ako, yung itsura nya nung hindi sya pinayagan. Akala nya yata papayagan na sya ni tita na magstay porket nalaman nyang sya ang totoong daddy ng baby ko.

"Jinny.. Masaya ako na okay na ang lahat. Finally pwede naring mabuo yung pamilya nyo ni Junhoe although masyado pa kayong bata para dyan." Nilapitan ako ni Seiyeon eonni. Halata namang masaya sya sa kinahinatnan ko ngayon.

"Thank you eonni, isa ka sa mga tumulong sakin para magawa ko lahat ng ito. I owe you a lot eonni." I said then I touched her hand that is on my shoulder.

"Omo, naiiyak na naman ako. Tama na nga ang drama. Basta galingan nyo ni Junhoe sa press con ha?" Syempre talagang gagalingan namin, ginalingan nga naman sa paggawa ng baby—

"Oo naman po eonni. We'll do our best para malinawan na ang lahat."

Speaking of Junhoe? Nasan na kaya yung hinayupak na yun. Anong oras na magsisimula na yung press con. Sa Lotte Mall napili ng production na ganapin yung presscon. Its an open area dahil gusto ni Mr Yang na malaman ng lahat ang totoo. Dahil mabait na CEO samin si Mr Yang, isusurprise ko sya later sa mga sasabihin ko. Napag-isipan kong tanggapin yung iilang offers na magaan lang para sakin, syempre kasama ko dun si Junhoe kaya ayos na sakin. Naisip ko kasing ang laking sayang ng mga araw na wala akong ginagawa eh. Para narin may kita parin ako kahit papaano.

"Ayo ayo my lady. Flowers for you."

"Para sa ina ng anak ko."

Aba. Nagkasabay lang naman si Junhoe at Jongyeon na abutan ako ng flowers. Dahil love ko silang dalawa sabay ko yun kinuha para walang iringan.

"Oy Junhoe pwede ba? Stop staring at Jongyeon like that. Parang gago 'to." Saway ko sa kanya, tumawa lang naman si Jongyeon.

"Goodluck sa presscon Jinny babes. Lagi lang ako nakasuporta sayo." Sambit ni Jongyeon.

"Tss. Di ka kailangan ni Jinny, nandito naman ako. Ako ang totoong tatay ng baby namin." Oo sige, wala pa man yung presscon narinig na ng buong staff yung totoo.

Bago pa sila magkabugbugan, pinutol ko na ang pag-uusap nila. Parang anytime kase magkakasapakan na lalo na't feeling atapang atao si Junhoe. Kala mo naman macho.

"Jinny, Junhoe nandyan na si sajangnim. Be ready." Huminga ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko. Nilapitan naman ako ni Junhoe, he cupped my cheek and press his lips on my forehead.

"Kaya natin 'to Mommy. Basta magkasama natin silang lalabanan okay? I love you Mommy Jinhee." Di na naman ako prepared sa kalandiang ginawa ni Junhoe. And did he just called me Mommy?!

"I love you too Junhoe."

"Daddy.. Daddy Junhoe." Correction ng malandi. Inakap nya ulit ako bago kami dumiretso papunta na sa stage. Nagwave ako kay Jongyeon para magpaalam saglit.

Tumambad samin ang sangkatutak na press, medias and fans! Ang daming tao as in! Parang fanmeet ang naging labas. Iniisip ko kung may mga fans pa ba ako sa sangkatutak na taong nandito sa mall o mga makikiusyoso lang sa balita.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon