JUNHOE
Nilapag ko si Jinny sa kama nya. Shit. Paano ba mag-alaga ng may sakit? Nakalimutan ko na kase yung mga gagawin. Ang tagal narin kase nung huling beses na may nag-alaga sakin nung nagkasakit ako, nung kami pa.
Pinatong ko yung kamay ko sa noo at leeg nya. Hindi parin nawawala yung lagnat nya. Kailangan nya yatang uminom ng gamot. Lumabas ako sa kwarto para maghanap ng pwedeng ipakain sa kanya. May nag-iisang pagkain akong kayang iluto at yun ang lugaw! Sana merong ingridients nun dito. Hindi ako tumigil sa kakahanap hanggang sa dalhin ako ng mga kamay ko sa isang lalagyan. Nandun yung luya, bigas na malagkit, at seasoning. Eto yun! Nagsimula agad akong lutuin yung lugaw. Habang naghihintay ako na maluto yun ng tuluyan, hinanap ko yung medicine box nya dito. Kumuha ako ng isang gamot na tingin ko ay makakatulong para mawala yung lagnat nya.
Dinala ko sa kwarto nya ang isang tray, nandito yung baso ng tubig, gamot, at yung lugaw. Sheez. Inayos ko yung paghiga ni Jinny para makakain sya kahit papano.
"J-jinny..upo ka muna. Kain ka muna nitong lugaw." Akala ko mahihirapan akong paupuin sya pero hindi pala.
Pinalamig ko muna sandali yung lugaw bago ko sya pakainin. Nakapikit lang sya habang pinapakain ko sya. Mukhang hindi nya nga talaga kayang kumilos. Pagkaubos nya sa lugaw, doon ko na sya pinainom ng gamot nya. Hiniga ko ulit sya bago ko ulit sya iwan para hugasan yung mga ginamit ko.
Pakiramdam ko para kaming married couple ni Jinny. Tangina, nababakla na naman ako. Nangingiti nalang ako bigla habang naghuhugas ako nitong pinggan. Pakshit baliw na yata ako.
Bumalik ako sa kwarto nya na may dalang plangganang tubig na may maliit na towel.
"Jinny..uhm, saglit lang 'to ha. Lilinisan lang kita." Dahan-dahan kong tinanggal yung suot nyang flanel. Buti nalang nakasando pa sya sa loob.
Pinunasan ko sya mula sa mukha nya hanggang sa leeg nya muna. Tangina bakit parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib ko ngayon?! Napatingin ako sa lips nya. Kapag ba hinalikan ko sya ngayon, gagaling sya kagaya ng mga prinsesa sa Disney Princess? Pinunasan ko rin yung mga braso nya at doon ako tumigil. Hindi pwedeng hanggang sa baba ang pagpunas ko sa kanya. Lumabas ulit ako para ilagay sa may lababo yung planggana. Umupo ako sa gilid nya. Tinitignan ko yung kabuuan ng unit nya. Maliit lang pala, saktong sakto lang sa kanya kaya papaanong dito natutulog yung si Jongyeon? Tss.
Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa kwarto nya, nakita ko sa may bintana na bumubuhos ang malakas na ulan. Buti nalang nakauwi na pala kami. Kundi inabutan kami ng ulan, mahirap na, baka kapag nabasa ako dumami pa ko. Edi hindi lang ako ang nag-iisang Junhoe na gwapo diba. At kasabay nun ang isang malakas na kidlat.
Medyo nagulat ako nung biglang nagising si Jinny. Alam ko na kung bakit, takot kasi sya sa kidlat. Ayaw nyang nakakakita o nakakarinig ng ganun. Nakatungo lang sya.
"Shhh. I'm here, I'm here.." Sabi ko saka ko sya niyakap. She burry her face on my chest. Sana lang hindi nya naririnig yung heartbeat ko.
"Wag mo kong i-iwan.." Napakagat-labi ako sa sinabi nya. Parang ganito rin yung sinabi nya sakin noon, nung nakipagbreak ako sa kanya.
"Hindi na kita iiwan ngayon.." I kissed her forehead and remained hugging her. Hindi nya na kase ako binitawan sa pagkakayakap kaya ano pa bang magagawa ko?
———
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ganito yung oras ng paggising ko kapag nasa unit ko ako natulog. Nakayakap parin sakin si Jinny paggising ko kaya ngiting aso na naman ako. Dahan-dahan akong humiwalay sa yakap nya at inayos ko yung paghiga nya. Kinapa ko rin kung may lagnat pa sya. Buti nalang ay wala na.
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일