JINNY
Tumawag sakin si Seiyeon eonni and she's asking me na magpunta ako sa YG headquarter ngayon din. Parang kahapon lang nung tumawag din sya nung napasa na kay Mr Yang yung request ko. Does this mean approve na kay Mr Yang yun?! Omg.
Hindi ko na inabala pa si Seiyeon eonni para sunduin ako at ihatid sa YG building. Nag-taxi nalang ako, nakarating din naman agad ako ng madali dahil walang traffic. Nung pababa na ko sa taxi akmang tatakbo ako papasok sa loob pero may kumalabit sakin.
"Hi! Ikaw si Jinny diba?" Nginitian ko sya. I think she's a fan na naghihintay dito sa labas.
"Ah yes ako nga yun."
"I'm Irish! Your fangirl, pwede ba magpapicture sayo?" Di na ko nag-alangan sa request nya at pumayag agad ako. "Pasign din sa phone ko Jinny." Inabot ko yung pentel pen na bigay nya then nagsign ako sa likod ng phone nya.
"There..thank you sa pagsuporta. Sana suportahan mo din ako sa mga future projects ko." Paulit-ulit akong nagbow sa kanya.
"Oo naman! Fighting Jinny!"
Pumasok na ko sa loob ng building. Hindi naman sa nagmamadali at ayaw ko nang may makaabot pa sakin para magpapicture or what dun. Baka kase naghihintay sakin si Mr Yang. Hindi pwede yung ganun. CEO ang nagpatawag sakin so dapat hindi ko sya paghintayin.
"Good afternoon po.."
Binabati ko lahat ng staff o kung sino man yung mga makasalubong ko. Its a must. Hindi lang sila pwedeng daan daanan. Nakarating na ko sa 10th floor kung saan located yung office ni Mr Yang. Huminga ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan sa loob.
"Good afternoon po Mr Yang.."
"Maupo ka Jinny.." I settled myself on the chair provided sa harap ng table ni Mr Yang. "So.. I've read your request yesterday and I decided na bigyan ka ng chance."
"T-talaga po?!" I need to calm down pero yung happiness ko nangunguna na kase.
"Oo. Pero naisipan kong bigyan ka ng challenge." Sabi na nga hindi magiging madali kapag hiningi ang isang request kay Mr Yang.
"Ano pong challenge?" I feel nervous right now. Knowing Mr Yang, hindi lang madaliang challenge ang kadalasang binibigay nya.
"You need to dance with someone. I don't think magiging maganda yung performance mo kung solo ka lang so I got someone na makakatulong para sa performance. And if nagustuhan ko yung performance nyo na yun, idedebut ko kayo as dance unit."
Ayaw ko ng idea na may makakasama ako sa pagshowcase ng talent ko. Paano nalang kung mas magaling pa sakin yung babaeng yun? For sure matatalbugan ako. Gusto kong umayaw sa challenge ng Mr Yang pero parang hindi naman maganda kung tututulan ko yung gusto nya. Since ako lang din naman ang nagrequest nun sa kanya, dapat ay tanggapin ko yung naging decision nya.
"Sino po ba sa Crazy dancers ang makakasama ko Mr Yang?" Tumawa ng sya ng bahagya. Anong nakakatawa sa tanong ko?
"Wala sa Crazy dancers o kahit sa High Tech ang makakasama mong sumayaw." Kung wala sa mga dancers na yun, pwedeng isa sa mga trainees?! Wag naman po sana mas magaling sakin na trainee ang ipartner sakin dahil for sure masasapawan lang ako.
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일