JINNY
"Bestieeeee excited na ako sa debut showcase nyo ni Junhoe!!!" Masayang bati sakin ni Shannon pagkapasok nya palang sa venue ng showcase namin.
Nandito rin sila Nancy, Jongyeon and Chanwoo. Hindi kasama ni Nancy yung boyfriend nya since umuwi daw sa parents eh. Nagrequest kami sa staffs na dito muna papasukin itong mga kaibigan ko, ayokong pumila sila sa labas gaya ng mga nakita ko nung dumaan yung van dun. For sure 80% ng mga nandun siguro fans ni Junhoe. Puro Junhoe placards ba naman nakita ko eh.
"Excited narin ako bes. Finally matutupad narin pangarap ko."
Umupo ako sa pagitan ni Nancy and Shannon. Wow ngayon ko lang napansin, napapaligiran ako ng dalawang half and dalawang pogi. Oh ha! Balita ko pupunta din daw yung mga kaibigan ni Junhoe, yung iKON yata yun. Pati si Yunhyeong, I invited him to come and watch us.
"And hindi lang pangarap, kase diba alam mo na?" Nagwink sya sakin, alam ko na ibig sabihin nun.
"Baliw. Wala namang kami." Tatawa-tawa nalang si Shannon dahil sa sagot ko which is true naman.
Sa loob ng 3 months ano lang ba mga ginawa namin ni Junhoe? Nagpractice, barahan tas inisan, minsan lumalabas para kumain. Ganun lang naman. Never kaming nag-usap tungkol sa kung anong label namin but I can tell that we're close enough to the point na aakalain ng iba na may something kami.
"Jinny, congrats sa debut showcase mo. Grabe, parang kailan lang sa school ka lang sumasayaw eh. Tapos naging model ka then ito na. Iba ka na talaga Jinnyahhhh." Said Nancy na yumakap sakin. Namiss ko sya super! Ang pretty nya parin talaga, never fades!
"Thanks Nancy. Namiss kita girl, supeeeeeeer."
"Ako Jinny babes di mo namiss?" Tanong ni Jongyeon na nakapout ngayon. Landi talaga kahit kelan!
"Namiss kita! Wag ka na magtampo."
"Sus, porket binakuran ka nung ex mong ulupong hindi mo na ko kino-contact." Kasalanan ko bang na kay Junhoe yung phone ko during those days? Buti nga ngayon binalik nya na yung phone ko.
"Adik. Hahahaha, yaan mo na! Atleast ngayon kasama mo ko. Wag kang kiligin ha?" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Hmp, tampo parin ako."
"Ikaw talaga. Yaan mo, mamaya sa after party magbbonding tayo okay?"
"Sige ah, sabi mo yan."
"Jinny, andyan na si Ms Jackey." Lumapit samin si Seiyeon eonni while we're in the middle of my chit-chats with my friends.
Nagpaalam muna ako sa kanila for a while dahil sisimulan na akong ayusan. I changed my hair style yesterday, grayish na sya na pixie cut pero hindi ganun kaiksi. For new look ba since wala pa naman akong modelling project, nagpaayos ako ng hairstyle para umayon as a dancer.
"Ang laki ng binawas ng hair length mo but you look pretty anyway."
"Ay thank you po. Hahaba din naman po yan soon kaya ayos lang." I guess uunahin na muna ni Ms Jackey yung make up ko before my hair.
"Ganda ganda talaga ng alaga ko. Pagandahin mo pa sya lalo Ms Jackey huh." Said Seiyeon eonni na pinat yung balikat ko. "Parating na raw si Junhoe sabi ni Yejin. Dadating na prince charming mo Jinny."
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfiction"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일