JINNY
Ilang minuto lang ang lumipas pagkahatid sakin ni Seiyeon eonni dito sa condo ko biglang dumating si Junhoe. Hindi na sumama pa sa taas si eonni dahil may important things to do pa raw sya.
Bigla-bigla nalang nangyayakap si Junhoe. Aba, nilalandi na naman ako nito eh! Sinubukan kong kumawala sa yakap nya pero ang higpit parin ng kapit nya. Parang bata na ayaw humiwalay sa nanay kase ayaw pumasok sa school.
"June."
"Baby." Pagtatama nya na naman.
"B-baby I can't breathe." I said.
"Feeling mo naman si Athena ka." Sabi nya saka humiwalay sa yakap ng konti. "Hayaan mo muna akong yakapin ka ng ganito. Namiss kita eh, sobra." Eto na naman po tayo, yung mga kalahing kabayo ni Junhoe nagtatakbuhan kaya ang bilis ng kabog sa dibdib ko.
"Anong meron bakit ganito ka kaclingy ha? May kailangan ka ba Junhoe?" May pahimas-himas pa syang nalalaman sa likod ko. Kung hindi lang ako kinikilig baka kanina ko pa sya nasapak.
Maya-maya nakaramdam ako ng pagbitaw nya. Hay salamat! Akala ko forever na syang yayakap sakin ng ganun. Tinignan ko sya, tinaasan ng kilay.
"Nood tayo ng movie baby." Aya nya sakin. Sa kwarto ko nya ako hinihila, ako naman 'tong nagpapahila. Kunyare di ko gusto but deep inside willing naman sumama.
"Anong movie naman? Wala akong alam na bago ngayon eh." Umupo ako sa kama ko. Aba, sya pa talaga kumuha ng laptop ko. May gusto syang panoorin?
"Sausage Party. Meron ako dito sa USB ko, binigyan ako ng kopya ni Bobby hyung. Sabi nya maganda daw yan, buhay ng pagkain." Parang naintriga ako sa story ng movie kaya binuksan ko yung laptop ko saka pinasak yung USB nya.
Tinabihan na ko ni Junhoe. Yung braso nya nakapulupot sakin. Parang nakaback-hug sya pero nasa gilid ko lang naman sya. Nagsimula na yung movie. Oo nga! Tungkol sa buhay ng mga pagkain. Ang galing naman ng nakaisip nito. Naranasan nya na kaya maging pagkain? Sa movie na 'to, may buhay tsaka nagsasalita yung mga pagkain. Nasa market sila syempre tapos kapag binibili sila sobrang saya nila. Ang cute lang!
Humiwalay ako saglit sa yakap ni Junhoe para abutin yung comforter ko, ang lamig na kasi. Lumalamig na yung kwarto ko. Pero imbis na hayaan nya kong magkumot, nagpunta na talaga sya sa likod ko para yumakap sakin. Sya yung gumamit ng comforter tapos niyakap nya ko. Aba magaling, hokage gaming na naman ang kuya mo Junhoe.
Hindi ako makapagfocus sa movie, nakasuksok kase yung mukha ni Junhoe sa may leeg ko. Tapos yung kamay nya nasa may tyan ko, hindi sa loob pero kahit na! Medyo hinihimas nya ng konti. Gaurjfncndosowfgnr!!!
"J-junhoe.."
"Hmm?"
"Tangina mo t-tigilan mo ko.." Pero imbis na tumigil sya mas lalo syang gumawa ng bagay na mas lalong nagpakilabot sakin.
Nasa kalagitnaan na yung movie! Ngayon ko lang narealize yung storya. Pashnea! Akala ko pa naman pambatang movie 'to kaya natatawa pa ko sa isip ko nung sinabi ni Junhoe na gusto nya 'tong panoorin. Pero kaya pala gusto nyang panoorin kase puro kabastusan ginagawa ng mga pagkain na 'to?!?!? My virgin eyes— well hindi naman sila as in naked pero ang bastos parin!
BINABASA MO ANG
Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETED
Fanfic"It was you all along..it just took a little time for my heart to convince my head of what I already knew." Sya parin naman all along, hanggang sa huli. Date started: 2017년 01월 19일 Finish: 2017년 10월 16일