01

1K 18 8
                                    

JINNY

"Muling nagbabalik ang 'Magandang Buhay'! Kasama parin natin ofcourse ang sikat na teen idol and recording artist na si Koo Junhoe." Pinalakpakan sya ng mga audience. May mga tumitili at nagwawala. Di ba sila nahihiya?

Koo Junhoe. Kala mo kung sinong gwapo makangiti ng ganyan kita naman gilagid.

"So Junhoe, everyone are asking you, kung may first love ka na at nagkaron na ba ng ex girlfriend?"

Tanong ng host kay Junhoe na biglang nagpakaba sakin. Tinignan kong mabuti yung screen habang naghihintay ako sa sagot nya.

May mga tumitiling fangirls nya kaya mas lalo akong natetense. Sasabihin nya kaya na naging kami?

"Actually no girlfriend since birth ako."

Ano daw?! Nabingi yata ako sa sinagot nya. Ang lakas naman ng loob nyang sabihing hindi naging kami! Ang kapal talaga ng mukha nya, kasing kapal ng nguso nya.

"And I never had my first love rin."

Nagtilian lahat ng fans nya dahil sa sagot nyang yun. Tuwang tuwa ba sila dahil wala pa DAW naging girlfriend at first love yang idol nilang kala mo naman sobrang gwapo.

Bwisit!

Magandang buhay yung show ngayon pero hindi maganda araw ko dahil sa lalaking yan. Pinatay ko na yung tv. No choice. Sawang sawa na kaya ako sa pagmumukha nun.

Ikaw ba naman maging girlfriend nun for 4 years?! Talagang kasawa-sawa lalo na sa tuwing gwapong gwapo sa sarili nya. Piling nya lahat ng babae magkakandarapa sa kanya. Mukha namang jinombag ng tadhana nung bata pa sya.

"Jinny magbreak na tayo." Nagulat ako sa bigla nyang sinabi. Nakipagkita ba sya para dito?

"Anong break ka dyan Junhoe? Mag-aartista ka lang naman eh. Di ka naman mag-oOFW para hiwalayan ako. Promise hindi naman ako makakasagabal sa career mo. Susuportahan pa nga kita dyan." Hindi ako naniniwalang makikipagbreak na sya sakin.

Hindi pwede. 4 years na kami, para lang sa pag-aartista nya hihiwalayan nya ako?!

"A-ayoko na sabi Jinny.." Hindi sya makatingin pabalik sakin kaya hinding-hindi ako naniniwalang gusto nya na makipagbreak sakin.

"Junhoe ano ba?! Nagpromise tayo sa isa't isa na kung sino man ang unang maging artista, susuportahan dapat natin ang isa't isa..sabi mo pa nun walang iwanan eh." Ramdam kong may papalapit nang luha na lalabas sa mata ko anytime. Tangama kase nitong nguso na to. Ano bang pumasok sa isip nya't makikipagbreak sya sakin ngayong magsisimula palang sya mag-artista?!

Hinawakan ko ang mga kamay nya ng mahigpit pero hinila nya yung kamay nya pabawi mula sakin.

"Jinny sawang sawa na ko sayo. Sa walang sawa mong pagseselfie na akala mo sobrang ganda mo, sa mga dance cover mo na hindi naman nakakabilib, sa pagpipicture mo ng bawat resibong nakukuha natin sa tuwing nagddate tayo, sa makapal mong pagmmake up na mas lalong nagpapapangit sayo. Sa pag-iidolize mo sa Justin Bieber na mukha namang bakla! Lalo na sa blonde mong buhok na mas lalong nagpa-stand out ng pagiging negra mo. Sawang sawa na ko."

Yun lang ba dahilan nya?

"Junjun kung yun lang dahilan mo p-pwede akong magbago. Hindi na ako magseselfie, h-hindi na kita uutusang magvideo sa mga dance cover ko, h-hindi narin ako magme-make up Junhoe..w-wag mo lang akong iwan." Ayan na. Tumulo na nga tong luha ko. Ang babaw ng dahilan ni Junhoe. Kung yun lang naman problema nya sakin kayang-kaya kong baguhin yun.

Boundless [iKON Series #3 - Junhoe] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon